Search This Blog

AYAYAYAYAYA!!


(Isang dulang may isang yugto)
ni Njel de Mesa
*unang itinanghal sa Koine One Acts Theater

TAUHAN:
DOTTIE, isang mag-aaral sa kolehiyo
YAYA, isang katulong sa bahay, 40-50 anyos, Bisaya

TAGPUAN. Sa may sala ng isang pribadong bahay. May malaking lamesa sa gitna ng entablado. Sa dulo ng mesa may placemat, pinggan, at basong naihanda para sa pananghalian ni Dottie. Subsob sa mga nagkalat na pinagaaralang libro sa ibabaw ng mesa ang ulo ni Dottie. Nakatulog siya sa tindi nang pag-aaral para sa kanyang papalapit na ‘pabigkas na eksaminasyon’ sa klase niya sa Pilosopiya. Papasok si Yaya. Ilalapag sa placemat ang mga kubyertos at mapagmahal niyang susubukang ligpitin ang mga nagkalat na libro ni Dottie. Magkakandahulog ang mga libro. Titigil sa pagliligpit si Yaya at baka magising si Dottie. Biglang kikiriring ang telepono na nasa di kalayuang lamesita. Maalimpungatan mayamaya si Dottie sa kanyang pagkakahimbing. Magpupunas ng laway. Saka tatawagin si Yaya.

DOTTIE: (Pasigaw at bugnutin.) YAYA… paki sagot naman… (Patuloy sa pagkiriring ang telepono.) …YAYA!! Paki sagot naman… (Papasok na humahangos si YAYA.)

YAYA: (Sasagot ng magalang.) Helow… (Saglit. Makikinig.) …si Mrs. San Juan po …ay, sori po …wala po siya …lumabas. Tawag na lang po kayo ulit. Babay. (Ibababa ang receiver ng telepono saka tatakbo palabas.)

(Muling kikiriring ang telepono.)

DOTTIE: YAYA!!

YAYA: ‘And’yan na… (Magalang muling sasagutin ang tawag.) Helow… (Saglit. Makikinig.) …si Mrs. San Juan po…ay, sori po… wala po siya… lumabas. Tawag na lang po kayo ulit. Babay. (Ibababa ang receiver ng telepono saka tatakbo palabas.)

(Muling kikiriring ang telepono.)

DOTTIE: Sino ba ‘yang tawag nang tawag na ‘yan?

YAYA: Sabi si Mrs. San Juan daw… E, wala naman dito ang mommy ninyo kaya pinapatawag ko ulit… mukha namang masunurin… tawag nang tawag, eh. (Sasagutin ang telepono.) Helow… Ano po? (Saglit.) …San Juan residence? Ay, hindi po… sa Quezon City po ito, eh…

(Maiinis at maiintriga si Dottie. Hahablutin niya ang telepono mula kay Yaya. Siya na ang sasagot.)

DOTTIE: YES, this IS the San Juan Residence. Dorothy San Juan speaking. (Saglit.) O, Mommy… Bakit po? (Saglit.) Lunch? Hindi pa po. (Saglit.) Si Yaya po yung kanina pang sumasagot. (Saglit.) Aaah,… kanina pa kayo tumatawag… binababa niya yung telepono… Sandali lang po… (Kay Yaya.) …Mommy ko …Gusto kang makausap… (Iaabot ang telepono.)

YAYA: (Sa telepono.) Ay, Ma’m! May tumawag sa inyo ngayon ngayon lang… dalawa po… (Saglit.) Walang anuman po… ba’t po kayo tumatawa…(Saglit.) …Opo…ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko… Salamat po… Eto na po si Dottie… (Ibabalik kay Dottie ang telepono.)

DOTTIE: (Tumatawa.) O, anong sabi…

YAYA: Wala lang. Tawa lang nang tawa. Bakit po kayo tumatawa?

DOTTIE: Wala lang din. (Kakausapin ang kanyang Mommy sa telepono.) O, Mom… (Saglit) Thanks… Yeah… palpitatingly nervous for my orals… at medyo nakatulog nga ako sa ibabaw ng mga readings ko, eh… (Aayusin ang mga libro niyang nagkalat sa mesa. Makikitang bawat pangungusap sa lahat ng pahina ng kanyang mga readings ay naka-highlight na.) AT PAGISING KO: EVERY PAGE OF MY READINGS ARE DRENCHED IN STABILO BOSS INK!! (Aakyat ang lahat ng dugo sa ulo.) Yaya! Sino’ng gumawa nito?!

YAYA: Ay, ako po, nakatulog po kasi kayo, e… kaya tinulungan ko na kayo mag-color. (Magpupunas ng alikabok.)

DOTTIE: (Imbes na magalit, mapapabulalas ng tawa.) Hahaha!! Haaay… Yaya… (Sa telepono.) It’s just a small hitch, Mom… Yaya thought my readings were coloring books… Fell asleep pa kasi, e… Haha… I was actually studying by osmosis… ‘wag na kayo umuwi dito, no need… Alis na rin ako m’yam’ya… (Tatanong kay Yaya.) Ya, pakitingin kung anong oras na… (Tinuturo ang wristwatch niya sa lamesa kasama ng mga libro. Matagal na tititigan ni Yaya ang orasan wari’y sinusuri.)…Don’t worry ‘bout me …I’ll just have yaya make me an MSG-insta-meal, panawid-gutom. Para lang ‘di ako dighay nang dighay mamaya sa orals ko… (Patlang.) Stresssss… (Makikinig.) It’s getting to be more and more complicated, Ma… I mean, I like my course… but… but I feel so incompetent… so stupid… I want to do this but… I don’t know, feels like I don’t have the chops for it… Shift?… Maybe I should…(Kay Yaya. Inip.) YAYA!! Anong ORAS NAA?!!

YAYA: Uhm… Ganito na po… (Itataas ang mga braso. Gagayahin ang hitsura ng mga kamay ng orasan. ‘Di pala siya marunong magbasa ng relo.)

DOTTIE: Ma, sandali lang ha… (Papahawakan kay Yaya ang telepono. Saka nagmamadaling aabuting ang kanyang wristwatch. Makikita ang oras saka lulundag sa pagkabalisa.) AAAAAhhh,…Shucks, 1:30 na pala, nandito pa ako sa bahay!! (Babalik sa pakikipagusap sa Mommy niya sa telepono.) Mom, havta go! 4:30 orals ko… Don’t wanna rush… Havta come in calm… at baka ma-traffic pa ako! Kain na lang kayo d’yan sa tabi tabi, I’ll scrounge for food na lang din… Havta go, wish me luck. Love you. Mwah. Mwah. (Ibibigay kay Yaya ang telepono.)

YAYA: (Sa telepono.) Mwah. Mwah. (Kay Dottie.) Ibababa ko na po ‘yung telepono. (Saka ibababa.)

DOTTIE: Yaya, ba’t di mo ako ginising kaninang tanghalian?!! (Habang nagmamadali siyang nagliligpit ng kanyang mga panulat.)

YAYA: Eh, parang ang sarap ng tulog niyo, eh… naglalaway pa kayo sa sarap… at saka nagluluto po kasi ako nung binilin ninyong mami… Saglit lang po’t kukunin ko… (Lalabas para kunin ang mangkok ng isang instant mami.)

DOTTIE: (Sa sarili.) Nagluluto? Ng ano? (Saglit. Magyo-yoga pose.) Paano ako mag-aaral nito… Okaaay… pranayama… breathe in… out… don’t panic… you have time… you can do this… (Babasahin ang kanyang mga readings.) “The smallest act in the most limited circumstances… bears the seed of the same boundlessness and unpredictability; one deed, one gesture, one word may suffice to change every constellation. In acting, in contradistinction to working, it is indeed true that we can really never know what we are doing,”—“INDEED” ka d’yan. Now, can I panic? (Hahapawin ang mga readings.) …‘asan na kasi yung tungkol sa subdivisions ng vita activa …Haaay …Yaya, hindi mo ba alam: one word may suffice to change every constellation?!

YAYA: Ate, eto na po yung pinaluto ninyo… uhm… kaso… medyo sunog…

DOTTIE: Hindi naman kasi dapat niluluto ‘yan… INSTANT nga, eh…

YAYA: Ano na naman kasing bagong pa-uso ito? (Masigla.) Ang tanong ng bayan: kakainin mo pa ba ito? (Iaabot ang mangkok.)

DOTTIE: (Abala sa pag-aaral.) Oo. Este… hindi… Basta. Ano ka ba?

YAYA: Wag po kayong magpanic. Kaya n’yo po ‘yan. Pagsubok lamang ‘yan. Umahon kayo. Laban kung laban.

DOTTIE: Ikaw na lang kaya ang mag-orals mukhang mas pilosopo ka pa sa ‘kin, e.

YAYA: (Mapagmahal at inosente.) Sige po.

DOTTIE: Hindi, sige ako na lang. (Pabulong.) Kung ako nga nagmumukhang tanga sa course ko… ikaw pa kaya…

YAYA: Uhm… Ano na po ang gagawin ko dito?

DOTTIE: Itapon mo ‘yang mami…

YAYA: Hindi ko po ‘ata kayang gawin ‘yan kay Ma’m…

DOTTIE: Sabi ko, “IYANG mami”… Hindi: “SI MOMMY!” …ano ba?

YAYA: ‘Sensya na po. Tao lang. (Patanong.) Tapos po?

DOTTIE: Kumuha ka ng panibago, marami pa tayong ganyan sa cabinet… tapos… o, makinig ka nang mabuti… number one: tanggalin mo ‘yung pabalat na plastic at buksang mo nang bahagya ang papel na panaklob.

YAYA: Opo.

DOTTIE: Number two: kumuha ka ng maiinit na tubig at ibuhos mo hanggang mapuno ang plastic na mangkok.

YAYA: Opo.

DOTTIE: Number three: buksan mo lahat ng kasamang sachet sa pakete at ibuhos mo ang bawat isa sa loob ng mangkok… Okay?

YAYA: Opo. (Patlang.) Ay teka, paki ulit po. Hindi ko po nakuha yung pagkatapos nung number two… (Nag-iisip.) …yung… yung… number… number…

DOTTIE: (Madiin at mas mabagal.) Number THREE: buksan mo lahat ng kasamang sachet sa pakete at ibuhos mo ang bawat isa sa loob ng mangkok… Okay?!

YAYA: Sandali po. Pina-prases ko pa. (Nag-iisip.) Gets. Okay na po.

DOTTIE: Number four: dalahin mo dito para makain ko… Malinaw?

YAYA: --pa sa araw… dadalahin ko na po ahora mismo…

DOTTIE: Sandali… let it stand for three minutes… okay? (Magaayos ng gamit.)

YAYA: Okay po. (Nakatayo at hindi gagalaw.)

DOTTIE: (Magliligpit ng sandali.) O, ano pang hinihintay mo?

YAYA: Three minutes po…

DOTTIE: Hindi ikaw! Yung mami!

YAYA: Aaaah,… Okay po. Akala ko po kasi… (Saglit.) Ibig po bang sabihin kailangan nakatayo ako habang tinitimpla yung mami?

DOTTIE: (Abala sa pagliligpit.) Oo. Este… Hindi. Basta. Ano ka ba?

YAYA: Wag po kayong magpanic. Kaya n’yo po ‘yan. Pagsubok lamang ‘yan. Umahon kayo. Laban kung laban. (Saka mabagal na lalabas.)

DOTTIE: (Inis. Marahan.) Yaya… paki bilisssssss…

YAYA: Ay, oo nga pala… (Papalabas.) ‘wag po kayong magpanic. Kaya n’yo po ‘yan. Pagsubok lamang yan—

DOTTIE: —Grr. (Pagkalabas ni Yaya. Hahapawin muli nang mabilis ang mga readings.) “…alone with his image of the future product, homo faber is free to produce, and again facing alone the work of his hands… he is free to destroy…”
(Kikiriring ang telepono.)

DOTTIE: (Nagmamadaling sasagutin.) Speak. (Makikinig. Manlalaki ang mata saka ibababa ang telepono.)

(Tititigan ang telepono. Takot. Mayamaya’y kikiriring muli ang telepono.)

DOTTIE: Yayaaaa…

(Titigil sa pagkiriring ang telepono.)

DOTTIE: Haay,… Salamat…

YAYA: (Papasok.) Po? Wala pa po’ng three minutes…

DOTTIE: A,… e… wala… akala ko may tumatawag sa telepono…

YAYA: Baka may kailangan pa po kayo? Mag-utos na lang din naman kayo… para sulit ang punta ko dito…

DOTTIE: O sige, ikuha mo ako ng shades at nakakasilaw itong pinag-aaralan ko. Thanks to you.

YAYA: Sa’n po nakalagay?

DOTTIE: Yaya, joke ‘yun. O siya, pakidala na nga lang sa akin yung pina-plantsa kong blouse kanina, please…

YAYA: Pinaplantsa?

DOTTIE: Oo. Yung Blouse?

YAYA: Akala ko sabi niyo I-Press…

DOTTIE: Oo nga.

YAYA: Kaya nilagay ko sa pridyider…

DOTTIE: Aaahh… pina-“press” ko kaya nilagay mo sa “prezzer”… Tama ba?

YAYA: Tapos ngayon papaplantsa niyo. Ano ba?

SABAY: (Pabulong.) ‘Gulo mo naman kausap.

DOTTIE: Kumikiriring na naman utak mo, Yaya.

(Biglang kikiriring ang telepono.)

DOTTIE: (Takot.) Ayayayayayaaa!! ‘Ayan na siya… Pakisagot… (Titigil sa pagkiriring bago pa damputin ni Yaya ang receiver ng telepono.)

YAYA: Haha. Mukhang kayo ang may kiriring…

DOTTIE: Hmp. (Napahiya kaya bagot.) ‘Asan na ang mami ko?

YAYA: Wala po siya. Lumabas.

DOTTIE: (Inis.) Eto na naman tayo. Yung may sabaw… hindi yung tao…

YAYA: (Mag-Aamerican accent.) Oh, is still ther… Istanding… I’ll check if it’s sitted olreydi…

(Lalabas.)

(Kikiriring ang cellphone.)

DOTTIE: Ano baaaa? Tumahimik ka na… Hindi kita type! (Ilalagay sa silent ang telepono.) Umm… Isa-silent kita d’yan. Sige, magsawa ka sa kiriring ko… este… (Titignan kung naulinigan ni Yaya saka babalikan ang mga readings.) “…activities to attend to life’s needs,”… Kasi naman Yaya, ano’ng ginawa mo sa mga readings kooooo! “…Homo faber becomes lord and master… violates what was given to him,”…I feel so violated. Hannah Arendt aren’t you going to help me!!

YAYA: (Papasok dala ang mangkok na plastic.) Eto na po… kaso…

DOTTIE: Kaso?

YAYA: Mukhang nasunog na naman…

DOTTIE: Ginawa mo bang lahat ng sinabi ko?

YAYA: Opo.

DOTTIE: Tinanggal mo ba yung pabalat na plastic at binuksang bahagya yung papel na panaklob?

YAYA: Opo.

DOTTIE: Mainit na tubig ba ang binuhos mo dito sa plastic na mangkok?

YAYA: Opo.

DOTTIE: Lahat ng sachet na kasama sa pakete binuhos mo ba dito sa loob nitong mangkok?

YAYA: Opo. Pati nga po yung libre…

DOTTIE: Libre?

YAYA: May libre po kasing kape na kasama du’n sa pakete.

DOTTIE: E, kaya naman pala nagmukhang sunog…

YAYA: E, sabi niyo po…

(Biglang kikiriring ang telepono.)

DOTTIE: Yayaaaaa…Paki sagot?

YAYA: Bakit po ayaw n’yong sagutin?

DOTTIE: Yung manliligaw kong mahanging mestisong bangus yata ‘yang tumatawag para mangulit… (Habang nagkukumahog mag-aral.)

YAYA: Aaah,…yung mukhang multo… kaya naman pala kayo pinagpapawisan nang malamig… Ano po’ng sasabihin ko sa kanya? (Kinikilig.) Oo? O Hindi?

DOTTIE: ‘Pag hinanap ako… uhm… sabihin mo wala, lumabas, natutulog, o may ginagawa… (Patuloy sa pagkiriring.)

YAYA: O, sige. (Sasagutin ang telepono.) Helow? (Nahihirapang makinig.) Ano? (Kay Dottie.) Hindi ko maintindihan, Eeengglishh yata… (Balik sa pakikipagusap sa mestisong bangus.) Who are you? Who are you calling? (Saglit.) And why? (Makikinig.) A, sandali lang po…kindly hold yours… (Kay Dottie.) It’s for you po… (Iaabot kay Dottie.)

DOTTIE: (Inis.) Sabihin mo nga wala, lumabas, natutulog, o may ginagawa…

YAYA: Ay, oo nga pala… (Sa mestisong bangus.) I’m sowri… she’s …wala, lumabas, natutulog, o may ginagawa… (Saglit. Makikinig.) Oh no, I’m not lying… I’m standing like the Instant Mami. Bye. Mwah. Mwah. (Babagsakan ang kausap.)

DOTTIE: Hehe. Ayos. Mukhang hindi na nga tatawag ‘yun.

YAYA: Hehe. Bakit po?

DOTTIE: Sikretong malupit. Salamat sa tulong ha.

YAYA: Ahh, walang anuman po. Trabahong katulong ang makatulong. (Aawit.) Ako ang kapit-bahay…kapit-bahay mo, laging handang tumulong sa inyo… kilala niyo ako—

DOTTIE: --At kahit hindi mo sinasadya, nakakatulong ka nga…

YAYA: Ay, madalas po sinasadya ko po talagang makatulong…

DOTTIE: Huh?

YAYA:…katulad kaninang nakita kong nakatulog kayo kaka-aral… Kita kong pagod na kayo kaya tinulungan ko na kayo—

DOTTIE: --Ganda. Salamat. (Ngiting aso.) Mas mapapadali ang pagaaral ko sa ginawa mo.

YAYA: Walang anuman. Sabihin n’yo lang kung ano’ng maitutulong ko’t sa abot ng aking makakaya—

DOTTIE: (Hahagilapin saka babasahin ang kanyang Thesis questionaire.) –Explain: Men in plural, that is, live and move and act in this world can experience meaningfulness only because they can talk with and make sense to each other and to themselves.”

YAYA: Hmm… Pwede po bang paki translate sa Eeenglish? ‘Di ko maintindihan, eh.

DOTTIE: (Mapapaisip.) Yaya, bakit ba ito ang pinili mong pasukang trabaho?

YAYA: Gusto ko kasing maging katulong…

DOTTIE: Wish granted… tapos…

YAYA: Tapos… maging mas masipag na katulong ninyo…

DOTTIE: Masipag ka na… sobra na nga’t pati yung mga plastic nating halaman sa labas dinidiligan mo…

YAYA: …may mas malalim pa po ba dapat akong isagot?

DOTTIE: Ibig bang sabihin… ‘eto lang talaga ang gusto mo …wala ka bang ambisyon?

YAYA: Meron po.

DOTTIE: Ano?

YAYA: Makatulong ng mas marami.

DOTTIE: Ha? Tapat na ba ‘yan talaga?

YAYA: (Kikiligin.) Ay, gusto ko ‘to parang “Pera o Bayong”! Uhm, my answer is: Eto talaga ang gusto kong gawin. (Kakaway ng parang beauty pagent contestant.) Kaya kahit magmukha akong tanga—(Kabig.) pero paminsan lang naman ha—“Solid Yaya for Dottie forever” pa rin ako! Maaga ko kasing natutunan na sa lahat naman ng trabaho magkakamali ka… magmumukha kang tanga… Kaya sabi ko: mabuti pa’ng magmukhang tanga nang marami natutulungan kaysa, matalino ka nga pero sa sarili mo lang ang isip mo.

DOTTIE: Wow. May sagot na ako sa thesis question number two…

YAYA: Ewan ko ba, dito sa Maynila lahat ng tao parang walang paki-alaman sa isa’t isa. Bahala ka sa sarili mo… Buntot mo, hila mo. Kaya tuloy ang daming nakawan dito. Ayon kasi sa mga matatalino… malas mo, bobo ka. E, kung tutuusin pinalad lang silang ipanganak nang mayaman kaya nakalamang sila ng maraming paligo kaysa sa iba.

DOTTIE: Hmmm… (Babasahin ang kanyang Thesis questionaire.) “among intellectuals, only solitary individuals are left who consider what they are doing in terms of work and not in terms of making a living…”. That’s thesis question number three…

YAYA: Kami sa probinsya, iba kami magisip…iniisip namin: kung ano’ng higit na makakatulong… sa aming mga kapamilya, sa kalikasan, at sa bayan… Kaya kami lumuwas dito para tulungan kayong mga Manilenyo… gawin ang mga bagay na hindi n’yo kayang gawin para sa sarili ninyo… katulad ng wastong pagluluto ng mami… lahat ‘ata kayo dito limang tasang kape ang tinitira araw araw… Gusto n’yo madali madali… pati tuloy pagluluto ng mami niyo gusto niyo may kape! Haay…

DOTTIE: (Magbabasa.) “It is a society of laborers which is about to be liberated from the fetters of labor, and this society does no longer know of those other higher and more meaningful activities for the sake of which this freedom would deserve to be won.”(Matapos ng ilang saglit ng katahimikan.) Yaya…

YAYA: Po?

DOTTIE: Salamat ha…

YAYA: Sa’n?

DOTTIE: …sa pagtityaga…sa mga pagkukulang ko. Salamat. Kailangan ko ngang marinig ‘yang mga ‘yan… (Habang nagsusulat ng notes.) Biruin n’yo, sa tagal n’yo dito ngayon lang ako nakapagpasalamat… (Ngingiti.) Salamat.

YAYA: Hehe. Sana nakatulong… (Aawit.) “Ako ay kapitbahay”… ay, teka… stay-in ako… hindi ako kapitbahay…

DOTTIE: Nakatulong nang marami, hindi lang sa pagco-color kundi sa mismong pag-aaral ko sa Pilosopiya…ngayon may maisasagot na siguro ako sa orals ko… Tawag n’yo naman ako ng taxi sa labas, o…

YAYA: Ahora mismo. (Lalabas saka magsisisigaw.) TAKSI!!! TAKSI!!!

DOTTIE: (Pasigaw. Kausap ang Yaya.) YAYA, SA LABAS NG SUBDIVISION HINDI SA TAPAT NG PINTO!!

TELON


* No part of these plays may be staged without a written permission from the author.
For performance rights and inquiries email
ktfi2001@yahoo.com or call 433.7886 /text (0917)9726514.

MALAY MO, TRUE LOVE

ni Njel de Mesa

TAUHAN:
LALAKE1, 20-years old, college student.
LALAKE2, 20-years old, college student.
ALEX, isang magandang bading.

(Sa loob ng isang dormitoryong apartment, makikitang nagtatago si Lalake2 sa likod ng kanilang refrigerator. May maririnig na nakabibighaning boses ng babaeng nanghaharana sa labas—inaawit ang “In Your Eyes,” version ni Regine Velasquez. Papasok sa salas si Lalake1—na naalimpungatan dahil sa nanghaharana—para uminom ng tubig.)

LALAKE1: (Bubuksan ang ref. Matitigilan.) Uy. (Dudungaw sa bintana.) Meh nanghaharanang baklang may bigote sa baba… Baka para sa ‘yo, pare. Yihee.

LALAKE2: Huwag ka nga maingay. Baka isipin nila meh tao dito.

LALAKE1: (Sisigaw.) Oy, WALANG TAO DITO!!

LALAKE2: (Pabulong.) ‘Nu ba?!

LALAKE1: Malay mo para sa ‘kin. (Bubuksan ang ref. Iinom sa bote ng tubig.)

LALAKE2: Sana nga, para hindi ko na kelangan magtago dito sa likod ng ref.

LALAKE1: (Bubulalas habang umiinom.) Hahaha—aray ko—haha… ulul—hindi nga?!! (Katahimikan. Hindi iimik si Lalake2.) HAHAHA!! Ang gwapo mo talaga, ‘tol! Pati bakla namamagnet mo!

LALAKE2: SSShhh… Ang kulit! Sinabi na’ng ‘wag maingay, e.

LALAKE1: Korni mo, pare. Minsan na nga lang tayo magkaro’n ng bisita dito sa dorm—na medyo…hehe… iba ang kasarian—pagtataguan mo pa…

LALAKE2: Matulog ka na nga. (Magbabanta.) O gusto mong patulugin kita.

LALAKE1: Tagal! Tapang tapangan ka d’yan… e, sa bakla mong manliligaw hindi ka makapalag. Sige lang, hihingi ako sa kanya ng resbak… patay ka kapag ni-wrestling ka n’yan. Wala kang kawala. Tapos, pagkatapos ng match—kala mo walang nangyari sa ‘yo—‘pag bihis mo… nawawala na ang brip mo. Magic!

LALAKE2: Sasapakin talaga kita, pare.

LALAKE1: E ba’t ba takot na takot ka d’yan… e, mukha namang sexy? Uy, ‘yun pala dapat ang tawag sa kanila… “Mang sexy”. Mamang koka-kola ang body. Sexy na, macho pa! Ahay… nakakatakot nga!

LALAKE2: (Ipapakita ang card kasama ng mga bulaklak na nasa ibabaw ng ref.) Pare, kung ikaw ang abutan nito hindi ka ba matatakot?

LALAKE1: (Babasahin ang card.) “Alam ko namang hindi mo masusuklian ang aking pagmamahal. Pero hindi ko na matiis na sabihin sa ‘yong… mahal kita. May pag-asa bang maari mo rin akong mahalin? Love… Alex”. (Saglit.) Naku, patay tayo d’yan!! “P.S. Aawitan kita mamayang gabi.”…kelan ‘to binigay sa ‘yo?

LALAKE2: Pagkatapos ng last class ko kanina. Sssh.

LALAKE1: Sagutin mo na kasi. Ganda naman ang boses. (Sasabayan ang pagkanta sa labas pero mali mali ang lyrics.) “In your smile… I can kiss my drift reflections…”

LALAKE2: Ssshh… Samahan mo nga ako dito sa likod.

LALAKE1: ‘Yoko. (Kakanta.) “…I can see the reasons why a love’s aray…”

LALAKE2: ‘Lika dito!

LALAKE1: Kiss muna. (Saglit.) Bakla.

LALAKE2: (Mang-aasar.) Sige. (Saglit.) Bakla.

LALAKE1: (Sisigaw sa labas.) Oy, kiss daw!!

LALAKE2: Ano ba?! Halika dito, may sasabihin ako sa ‘yo.

LALAKE1: E di sabihin mo. Ganda ng view dito, e. (Nagmamasid.) Kaya pala bawal ang TV dito sa dorm… para mas ma-appreciate natin ang live-entertainment. (Matitigilan.) Uy, men… kumpleto pala ang banda… may guitarista, pianista… at heto ka, may pari pa—handang handa, a… for a grand total of?

LALAKE2: Humanda ka sa ‘kin ‘pag umalis ‘yang mga ‘yan.

LALAKE1: Naks. ‘Yan ang gusto ko sa ‘yo; lalakeng lalake habang nagtatago sa bakla. O, baka naman baklang bakla habang nagtatago sa lalake? Mwehehe… kadiri ka. Tagal na natin dito sa dorm, gan’to ko pa malalaman…

LALAKE2: Sira ulo ka talaga.

LALAKE1: Yung ilang beses mo akong nadantayan sa pagtulog… pinagsasamantalahan mo na pala ako nu’n?! Yak! Kadiri ka, rapist.

(Biglang titigil ang pagkanta ng nanghaharana. Sandaling katahimikan.)

LALAKE2: Lagot ka. Ginalit mo yung bakla.

LALAKE1: Inamin mo na rin.

LALAKE2: Na ano?

LALAKE1: Na galit ka!! Hahaha!! Bakla!

LALAKE2: (Lalabas sa pinagtataguang ref. Hahabulin para dambahin si Lalake1.) Ako, naasar na ako, a. Halika nga rito… masyado ka nang ma-epal.

(Maghahabulan sandali. Matitigilan. May maririnig na mga yapak tila papanik na hagdan.)

LALAKE1: Sssh. Pare, papanik ‘ata. (Makikinig.)

LALAKE2: Pare, ano’ng gagawin natin?

LALAKE1: Pare, depende ‘yan sa kung anong gagawin n’ya. Nag-toothbrush ka na ba? (Babatukan ni Lalake2 si Lalake1.) Are’ ku…

LALAKE2: Seryoso, pare… ano’ng gagawin natin?

LALAKE1: Sandali, gigisingin ko si Bossing…

LALAKE2: Huwag, dyahe. Baka mam’ya kung anu-ano pa’ng isipin nu’n, paalisin pa ako dito.

LALAKE1: Takot ka’ng mamiss ako, ‘no?

LALAKE2: (Nanduduro.) Pare… tumigil ka na… seryoso… naasar na ‘ko.

LALAKE1: Andali mo naman mapikon. Dapat secure ka sa sexuality mo, men… (May kakatok sa pinto. Mapapatili.) AAaaaii!!

LALAKE2: Parang ikaw?

(Kakatok ulit. Dali-dali silang magtatago sa likod ng ref.)

LALAKE1: Bisita mo ‘yan, ikaw sumagot.

LALAKE2: Matutulog na ako. Bahala ka na d’yan, pare. Goodlak. Goodnayt. (Susubukang umalis at magtago sa kwarto.)

LALAKE1: (Sisigaw.) PATAWAD! (Matitigilan si Lalake2.)

ALEX: (Offstage.) Good evening, ho. Hihi. Hindi po kami nangangaroling. Dito po ba nakatira si—

LALAKE2: (Tatakpan ang bibig ni Lalake1.) Uh… hindi! HINDI SIYA DITO NAKATIRA!!

ALEX: ‘Wag ka nang magtago. Si Alex ‘to. Gusto ko lang naman makipag-usap. Tapos, hindi na kita gagambalahin pa ever.

LALAKE1: Pare, ganda ng boses… babaeng babae. Patulan mo na.

LALAKE2: (Takot. Kay Alex.) Bakit ka ba nandito? Wala naman akong ginawa sa ‘yo, a!!

ALEX: Meron! Pinalaya mo ako. Dahil sa ‘yo lumabas na ako sa pinagtataguan ko… para sa ‘yo. Hindi mo ba kayang magkunwari, atleast… that you’re happy for me… at lumabas na rin sa pinagtataguan mo!

LALAKE1: (Sisigaw.) Alex, I LOVE YOU—

LALAKE2: (Susupalan ang bibig ni Lalake1.) --and all the people in the world!

ALEX: Alam ko ‘yan. Kaya nga nahulog ang loob ko sa ‘yo dahil pantay-pantay ang pagtingin mo sa lahat ng tao.

LALAKE2: Yung iba kasi hindi ko na tinitignan.

LALAKE1: Sa’n mo ba ‘to nakilala’t patay na patay sa ‘yo? (Ikukumpas ni Lalake2 ang kamay niya nang “hindi ko alam”.)

ALEX: Please… I just need to give you something…

LALAKE1: (Kay Lalake2.) Pare… give you something daw… Yihee.

LALAKE2: Kung ikaw nasa sitwasyon ko… ano’ng gagawin mo?

LALAKE1: E di, pagbibigyan… wala namang masama, a… uy, pare… ke babae, lalake, tomboy, bakla… mahirap magtapat ng pag-ibig ‘no. Eto mukhang nag-rehearse pa, e.

ALEX: Please?

LALAKE1: Mag-AHIT KA MUNA!! (Tatawa tawa.)

(Sandaling katahimikan. Maririnig nilang bumababa si Alex at saka sasakay ng kotse.)

LALAKE1: (Tinatanaw sa bintana.) Lagot ka, pare… nag-ahit nga! ‘Pag nagkessing-kessing kayo mam’ya n’yan… parang hinahalikan mo, kili-kili n’ya. Parehong pang-ahit ang ginamit, e.

LALAKE2: Ano naman ang sasabihin ko sa kanya?

LALAKE1: E, di ulitin mo lahat ng sasabihin niya para makulitan at kusang umalis…

LALAKE2: Ha?

LALAKE1: Sampol. Kunyari ako… ikaw. Tapos, ikaw si Alex.

LALAKE2: Ahem… Mahal kita.

LALAKE1: Mahal kita.

LALAKE2: Talaga?

LALAKE1: Talaga?

LALAKE2: Oo!

LALAKE1: Oo!

LALAKE2: So, tayo na?

LALAKE1: So, tayo na?

LALAKE2: Oo.

LALAKE1: Oo.

LALAKE2: Tawagin ko na ‘yung pari?

LALAKE1: Tawagin ko na ‘yung pari?

LALAKE2: Yes.

LALAKE1: Yes.

LALAKE2: I do.

LALAKE1: I do.

LALAKE2: (Babatukan si Lalake1.) ‘Langhiya ka, papahamak mo pa ko. E, masasakal ako ng di oras ng ganyan, e…

LALAKE1: Hooo… kinilig ka naman.

ALEX: (Offstage.) Ginawa ko na’ng gusto mo. Gusto mo bang makita?

LALAKE1: (Sasagot.) Okey! Sandali lang… (Tutulak si Lalake2.)

LALAKE2: Ba’t ka ba umeepal?

LALAKE1: Give gays a chance. Malay mo, true love.

LALAKE2: Bakit ikaw; will you give gays a chance?

LALAKE1: Pare, ‘wag mong ipasa sa ‘kin problema mo. Ibulong mo sa hangin. (Magfa-flying kiss.)

(Bubuksan niya ang mga ilaw sa salas at saka ang pinto. Mahinhing papasok ang isang napaka-gandang bading naka-evening cocktail dress.)

LALAKE1: (Biglang lalabas sa pinagtataguan.) Tuloy ka.

ALEX: (Kay Lalake1.) Salamat. (Kay Lalake2.) Hi.

(Sisikuhin si Lalake2 ni Lalake1.)

LALAKE2: Hi.

LALAKE1: Maupo ka, miss.

LALAKE2: (Mang-aasar.) Gusto mo, iwanan ko na kayong dalawa? Mukhang mas tipo mo ‘ata, e.

LALAKE1: Masama ba na wala akong dress-crimination?

LALAKE2: Malay mo, na-love-at-first-sight ka. (Kay Alex.) Maupo ka… ahm… miss?

ALEX: Salamat.

(Mauupo si Alex at ang dalawang Lalake sa sofa. Magkaka-ilangan ang tatlo. Sandaling katahimikan.)

LALAKE1: Hi… (Patlang.) uhm… Alex… ano ‘yun—short for… Alexa, Alexy?

ALEX: Alexander.

LALAKE1: Aaa… Alexander… (Babaguhin ang usapan.) Pogi talaga ng roommate ko, ‘no? (Ngingiti lang si Alex.)

LALAKE1: Uhm… Alex? Baka may gusto kang sabihin kay Lalake.

ALEX: (Asiwa.) Uhm…

LALAKE1: (Kinakabahan. Kay Lalake2.) Ikaw lalake… baka may gusto kang sabihin kay lalake—I mean… (Kakabig.) …ah… eh… kay Alex na sexy at ubod ng gandang mukha nang babae…

(Katahimikan.)

LALAKE1: Yihee. Kinikilig ako.

(Katahimikan.)

LALAKE1: Uy, tahimik… dasal muna tayo.

(Katahimikan.)

LALAKE1: (Kay Alex.) Alam mo, ganda ng legs mo. (Saglit.) Paano mo inaahit ‘yang facial hair mo sa legs?

(Walang kikibo.)

LALAKE1: Okeyyy… akala ko lahat ng bading madaldal… (Sabay si Alex at Lalake2 titingin kay Lalake1.) …sige, tatahimik na ako.

ALEX: (Kay Lalake2.) Mahal kita.

LALAKE2: Talaga?

ALEX: Oo.

LALAKE1: So kayo na?

ALEX: (Kay Lalake2.) Oo?

LALAKE1: (Humahagigik.) Tatawagin ko na yung pari?

LALAKE2: Ano ka ba? Ginagawa mo kaming katatawanan pare, e. Wala namang bastusan!

ALEX: (May huhuguting liham at saka babasahin.) “Alam ko, siguro… na ayaw mo sa mga katulad ko dahil kung tignan mo ako’y multo sa paningin… pero ako’y tao lamang na nadadarang at natutukso rin… Maiaalis mo ba sa ‘kin na matutunan kang mahalin? Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkagan’to. Bigla na lang sa umaga’t sa gabi, sa bawat minutong lumilipas… hinahanap-hanap kita. Hinahanap-hanap kita. At tuwing kita’y nakikita ako’y natutunaw… parang ice cream na bilad sa ilalim ng araw. Ano bang gayumang ginamit mo? Huwag, huwag mo na’ng itanong sa akin… di ko rin naman sasabihin. Kaya inilihim ko na lang… Pero bulong ko sa hangin; kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim… kahit ano’ng gawing lambing ‘di mo pinapansin. Di ko na kayang pigilin ang damdamin. Di ko na kayang hangarin ay malihim. Tanging dasal ng puso kong alipin. Pag-ibig ko’y tanggapin. Himala? Kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang himala dahil ikaw ang mahal ko. Ikaw ang mahal ko. Tunay na tunay. Hindi ‘to bola, sumagot ka ‘wag lang naman… ewan. Tatanggapin ko kahit ano’ng sagot mo… lagi naman akong sumusunod sa ‘yo. Mahal kita at ‘yan ang totoo. Honey, my love so sweet.”

LALAKE1: Wow. Medley.

LALAKE2: Alex, sandali lang ha. (Hahatakin si Lalake1 sa likod ng ref para magbubulay-bulay. Pabulong.) Pare, ano’ng sasabihin ko?

LALAKE1: Ewan ko sa ‘yo. (Saglit.) “I do”?

LALAKE2: Seryoso, pare. Kung ikaw ang pagtapatan ng ganyan?

LALAKE1: Hm. (Mag-iisip.) Itutulog ko muna.

LALAKE2: Pero hindi ka magagalit?

LALAKE1: Ba’t naman ako magagalit?

LALAKE2: Hindi ba nakakalalake? E, kasi di ba ‘pag may baklang nanliligaw sa ‘yo, ibig sabihin sa radar n’ya bading ka din?

LALAKE1: Ewan ko sa ‘yo, mhen. Basta ako secure ako sa sexuality ko. Patay tayo d’yan kung ‘yan nga mismo ang feeling mo ngayon! (Mang-aasar.) Ibig sabihiiin— (Hahagikgik.)

LALAKE2: (Padabog.) Eto na ‘yung balansé. (Dudukot sa wallet ng pera. Iaabot kay Alex)

ALEX: Pang-famas ba’ng acting? (Kukunin ang perang inaabot ni Lalake2.)

LALAKE2: Medyo O.A. lang na pinag-costume mo pa yung isa ng pari.

LALAKE1: (Nagtataka.) Tsong! Wasss happening?

ALEX: (Habang binibilang ang pera.) Kebs. Mukha namang shunga sa mga stunts natin yung roomie mo. Umiffect ba ang mahinhing drama ko kanina?

LALAKE2: Mukhang hindi natinag, e.

ALEX: Kaya ba tina-taiwan mo ang sweldo ko? Tita, kulang ang anda mesh… Mahal mahal umupa ng instrumentalists, ‘no.

LALAKE1: Sandali, hindi ko masundan ang flow ng kwento—

LALAKE2: (Kay Alex. Malungkot.) Bukas na lang. Itutulog ko muna ‘to.

ALEX: Kung hindi lang kita love. Sige na… oy, pero bukas ha.

(Aalis nang tahimik si Alex. Ikakandado ni Lalake2 ang pinto.)

LALAKE1: Men, ba’t ka naman uupa ng bading na manghaharana sa ‘yo?

(Mahabang katahimikan.)

LALAKE2: Baka sakaling mag-selos ka.

LALAKE1: Hindi ko ma-gets. Kanino?

LALAKE2: Sorry na lang ako. Hindi ka bading. Hindi ka nagselos, e.

(Sandaling katahimikan.)


LALAKE1: Gets ko na. (Saglit.) Pare… Ayos, a… ngayon lang ako hinarana ng bading.

LALAKE2: Parang gano’n na nga. Galit ka?

LALAKE1: (Humahagikgik.) Sorry ha. Wala talaga, e… “Pare” lang talaga.

LALAKE2: Okay lang. Atleast, I tried to tell you.

LALAKE1: Masarap ba feeling?

LALAKE2: Medyo. (Saglit.) Mas masarap nga lang kung napa-amin din kita.

LALAKE1: Pare, don’t be sad… you’re supposed to be gay.

LALAKE2: Tanga ka ba?

LALAKE1: Paminsan. But not now, if you like.

LALAKE2: Magtatapat ba ako kung hindi ako umaasa na sana—

LALAKE1: Quits lang tayo. Hindi naman kita binugbog.

LALAKE2: Anong konek?

LALAKE1: Kala mo. Oy, hindi nakakatawa, ha?! Antagal na natin magkakilala, gan’to ko pa malalaman.

LALAKE2: E, dahil nga sa ‘yo kaya ko nalaman gan’to ako. Sana nga lang, gan’to ka rin…

LALAKE1: Ano?! Gusto mo bugbugin kita para patunayang hindi kita type? O kaya… (Mag-iisip.) Tama! Kunyari na lang type kita, tapos kukwartahan na lang kita? Okay ba ‘yun?!

LALAKE2: (Nang-asar.) Oo na, hindi ka na bakla.

LALAKE1: Mga bakla, angal nang angal na pinandidirihan sila t’as ‘pag meh katulad ko na no big deal kung closetang bading sila… pagdududahan naman nila.

LALAKE2: (Sasang-ayon.) Oo na, hindi ka na bakla.

LALAKE1: (Saglit.) Sorry, kung tinawag kitang bakla kanina…

LALAKE2: (Maluluha.) Totoo naman, e.

LALAKE1: Onga, bakla ka nga… andrama mo, e… sabi na sa ‘yo; itulog mo muna ‘yan, e.

LALAKE2: Dito na lang siguro ako sa may sala.

LALAKE1: (May konting pag-aagam agam pero aakbayan si Lalake2.) Ano ba? Matulog na tayo. (Saglit.) Wala lang bastusan, ha?

LALAKE2: (Kunwaring galit.) Ah, hindi na ‘noh. (Kakalas, sabay magtatawanan.)

(Magdidilim sa entablado.)

TELON

* No part of these plays may be staged without a written permission from the author. For performance rights and inquiries email ktfi2001@yahoo.com or call 433.7886 /text (0917)9726514.

SUBTEXT


(isang yugto- tatlong eksena)
ni Njel de Mesa
Nagwagi ng 1st Prize Don Carlos Palanca Awards for Literature 2002

(Paalala: Kailangan nang maingat at masusing pakikinig sa mga bagay na hindi nabibigkas ngunit mababaanagan sa teksto. Higit itong mas mahalaga kaysa sa teksto mismo.)
TAUHAN:

BABAE
LALAKE
*maaring isang pares lang ng babae at lalake ang gumanap sa tatlong eksena

Unang Eksena: Hapunan. Sa isang “fine dining” restaurant. Nakaupo at wari’y magsisimulang kakain ang isang lalake at babae ng kani-kanilang pagkaing nakahain sa kanilang lamesa. Pareho silang bihis na bihis at mukhang galing opisina. Maririnig ang "Sadly Falling" ni Njel de Mesa sa piped-in music.

LALAKE: Nagbibiro lang ako nu’n…

BABAE: (Biglang dadaluhong.) Paano ko malalaman… na nagbibiro ka lang nu’n… Hindi mo naman nilagyan ng “U” na may umlaut sa dulo!

LALAKE: “U” na may umlaut?

BABAE: Oo. Yung “U” na may umlaut? Yung smiling face? At huwag kang magpapalusot na bulok ang model ng telepono mo’t wala kang character na gano’n…

LALAKE: Wala nga…

BABAE: Pwede ba…

LALAKE: Totoo… wala nga…

BABAE: E, di sana gumawa ka ng paraan, pwede namang “open parenthesis” tapos “colon” or “open parenthesis dash colon” kung gusto mong may ilong. (Hihirit ang lalaki.) O-o-o… huwag mong sabihing wala ka pa rin nu’n…

LALAKE: Meron.

BABAE: O, kitam. Wala akong pakialam kung jolog ang cellphone mo, ang sa ‘kin lang,…sana gumawa ka ng paraan… para hindi tayo nauuwi sa mga nakaka-iritang pag-uusap dahil ang labo mo!

LALAKE: Ang labo ko?!… Tama na… kumakain tayo (Pabulong sa sarili.) Ako pa’ng malabo…

BABAE: Oo, ikaw! Hindi mo malaman kung seryoso ka, o galit ka, o nagbibiro! Nasaktan ako nu’ng natanggap ko yun, dahil ‘kala ko seryoso ka…, tapos ngayon sasabihin mong nagbibiro ka lang…

LALAKE: (Magtataas ng boses.) E, sa wala nga ako nu’ng “U” na may umlaut!!

BABAE: A, basta… hindi ka gumawa ng paraan.

LALAKE: Oo na… next time… “open parenthesis dash colon” …may ilong pa ‘yon ha… Kumain na tayo.

BABAE: At isa pa, pa’no ko iisiping nagbibiro ka lang at ‘di ka galit samantalang naka-ALL CAPS ang message mo, remember?! ALL-CAPS !?! Do you know what THAT means?!

LALAKE: Tell me.

BABAE: (Nangungutya.) Hmm. Isipin natin. (Biglang sasampalin ang lalake.) ‘Yan! ‘Ayan ang pakiramdam ng ALL-CAPS mo !!! (Sisimulan ng babae kumain.)

LALAKE: Déjà vu… for the Nth time… walang lower case function ang telepono ko! Masanay ka nang mukhang galit ang mga messages ko!

BABAE: Ipanakaw mo na ‘yang 2-liner, antiquated, cellphone mo para makabili ka na ng bagu-bagong modelong may “U” na may umlaut at lower case function! Ang LABO MO!!

LALAKE: Bakit ikaw rin naman, ah?

BABAE: Ano’ng ako?

LALAKE: Oo ikaw.

BABAE: Ako… malabo? Excuse me !?! ‘Pag ako nagpapadala ng message, direct to the point, malinaw pa sa araw.

LALAKE: Bakit nu’ng nililigawan kita puro “I LAB U” ang padala mo ?!

BABAE: So? Anong malabo du’n?

LALAKE: LAB? LAB? Helllooooo… L-A-B?! (Patlang.) Hindi L-U-V. Hindi L-O-V-E. Ang pagkaka- “spell” mo… L—A—B !! “I LAB U”. Matutuwa pa naman sana ako nu’ng una kong natanggap ‘yon. Sasarap sana ang gising ko. Pero nag-alangan ako… dahil baka biro lang o di kaya’y pa-cute na consuelo de bobo para dalhan pa rin kita ng dalhan ng paborito mong pulburon araw-araw sa skul. ‘Di ko malaman kung seryoso kang mahal mo ‘ko… Tapos akala ko magbabago ‘yun nu’ng naging tayo… Pero hanggang ngayon, ganu’n pa rin. “I-L-A-B-U”. Ano kaya ‘yun ?! Tell me, how am I supposed to commit my undying love to a person who sends half-hearted messages of love like that?! ILABU? ANGLABO! Ikaw ang malabo!

BABAE: This is unfair.

LALAKE: Unfair!?! Sige nga, kelan mo ba ako pinadal’han ng “I -- Love – You”…yung buo, ha?! Hindi yung, “I-L-A-B-U”?!

BABAE: (Mataray at sigurado.) Kahapon. Hindi mo natanggap?

LALAKE: ‘Ayan ka na naman. Gagawin mo na namang palusot ‘yang mga hindi ko natatanggap na mga messages mo para manalo sa usaping ito. Pwede ba. Lumang tugtugin na ‘yan. At alam naman natin na, sa ating dalawa, mas madalas ako ang nagpapadala ng messages sa ‘yo. At ugali mo talagang hindi sumagot. Buwan buwan, nauubos ang Pre-paid ko sa kakapadala ng “HOW R U?”. At ikaw?? Ni hindi mo man lang ako sagutin ng simpleng “K”. “K” lang, ipagdadamot mo pa sa ‘kin.

BABAE: D’yos ko po… lahat ba ng messages mo “K”--langan kong sagutin. Para ka namang batang makulit!

LALAKE: Syempre makulit ako. Mahal kita e. Interesado akong malaman kung anong nagyayari sa ‘yo. Nag-aalala ako. At isa pa, di mo naman kelangan sagutin lahat ng messages ko. Pero siguro naman dapat mong sagutin kung yung pinadala ko nagtatapos sa QUESTION MARK!! Di ba!?!

BABAE: Susmaryosep! Ano naman ang gusto mong isagot ko sa mga messages mong nakalagay lang: “HEY”? “HEY” din ? Mag-aaksaya pa ako ng piso para mag-“HEY”?

LALAKE: Bakit may question mark ba sa dulo yung mga “HEY” ko ?!

BABAE: Wala.

LALAKE: O, e bakit mo sinasali ‘yan sa usapan. Ang tinutukoy ko lang naman yung mga messages kong may question mark sa dulo na hindi mo sinasagot. Pambihira ka.

BABAE: My point is, madalas kang nagpapadala ng mga pathetic messages like “HI, HEY, HELLO, INGAT, TAKE CARE,” o di kaya’y “HAV A NICE DAY”. For what? You’re wasting your pre-paid !!!

(Sandaling katahimikan.)

LALAKE: (Marubdob.) Wasting MY Pre-paid ?! Gano’n lang pala ang tingin mo sa mga messages ko. Aksaya lang pala ng Pre-paid na isipin ka maya’t maya… na ipakita sa ‘yo na iyong iyo ako…na ipamalas sa ‘yo na… higit pa sa pag-aalala ko sa negosyo, sa trabaho, sa sarili, at minsan sa pamilya, ang pag-aalala ko sa ‘yo!! ‘Kala ko ikatutuwa mo. Tinik lang pala ako sa tagiliran mo. BWISET! Now this is not worth it !!

BABAE: You’re hurting me.

LALAKE: I… am hurting… YOU!?! Aba’y ibang klase ka talaga!

BABAE: (Magsisimulang umiyak.) Why do you have to take it that I don’t appreciate your pathetic messages? Pinapamukha mo sa ‘king gusto kitang saktan.

LALAKE: Bakit hindi ba?

BABAE: No. I never liked… enjoyed hurting people! Never! Especially you…

LALAKE: Ano?? How do you think I’d react? Let me remind you that it was YOU who said—and this is Verbatim ha—na ‘I am wasting my Pre-paid’?! On you?! Of course I’m hurt!

BABAE: And I’m… too.

LALAKE: Good. That makes two of us.

BABAE: Why do you have to read what I say the negative way?

LALAKE: (Sasabog.) Why don’t you just answer my pathetic messages!!!

BABAE: Hindi mo ba naisip na siguro… busy lang ako… na I wanted to but… could not!!!

LALAKE: Well, well, well, you think I go to office as a couch potato! You want to see my planner? (Ilalabas ang planner, PDA, or Palm Pilot.) Hour after hour, I’ve a million things up my sleeve and on top of my desk nagging me but I always manage to think of you…and worse…entertain those thoughts. Thoughts you never regaled or appreciated at the least! Good Morning! Sana nagising kita ha!! Miss… FYI… BUSY RIN PO AKO!!

BABAE: Precisely. That’s why I know…if I entertain those very thoughts, we’d end up sending messages to and fro… texting a tete-a-tete that would never end. And at the end of day, we’ll both end up doing just half the work we were suppose to do… and we’ll have to make-up for it the next day… calling-off what’s left of the quality time we scheduled… to be together. I know “us” too well.

LALAKE: Okkeeey… Quality time…

BABAE: And thought it best that you waste your credits on matters that will earn us our future than on sweet nothings for me. Alam kong marami ka pang kliyenteng kakausapin at dahil sa negosyo mo, I know, you can’t afford wasting your money on “HIs, HEYs, HELLOs, INGATs, TAKE CAREs, and HAV A NICE DAYs”. And you don’t see that. All you see is a girl who means to hurt you.

LALAKE: (Pipiliting ibahin ang usapan.) Okey…Sorry.

BABAE: Don’t be. If you assumed that… then it means there’s something wrong with me. As always. I guess, you’d be better off without me.

LALAKE: Anooo?

BABAE: What am I saying… This world would be better off without me. (Kukunin ang kutsilyo para sa mantikilya at sisimulang maglaslas ng pulso.)

LALAKE: (Pipigilan ng lalake.) Ano ba?! Tama na!!

BABAE: (Magaagawan sa kutsilyo.) I’m sorry. I didn’t mean to hurt you.

LALAKE: You’re just tired.

BABAE: Yes, tired of hurting people. So, pabayaan mo na ‘ko!

LALAKE: Ano ba??! Ano ka ba?! Tama na !!

BABAE: (Maaagaw ng lalake ang kutsilyo.) Once… you said… you’d do anything to make me happy…

LALAKE: Yes.

BABAE: Well… the only thing that would make me happy this very moment…

LALAKE: Yes?

BABAE: Is if you do me this favor of killing myself…

LALAKE: ‘Eto ka na naman…

BABAE: I’m not kidding.

LALAKE: I want your happiness. But I won’t kill you. If I do that I’d be responsible for my own sadness. Do it yourself. (Ibabalik ang kutsilyo.) Go ahead kill your self with that blunt butter knife and be happy. Para lalo mo lang akong masaktan every miserable day I’d be living without you.

(Mahabang Katahimikan.)

BABAE: I hate myself.

LALAKE: I love you.

(Saglit na katahimikan.)

BABAE: I’m sorry.

LALAKE: Ako rin. Kain na tayo.

(Sasabayan ng tugtog ng "How Is It Always" ni Njel de Mesa ang pagdilim sa entablado.)


(Sa susunod na eksena, dalawang cellular phones ang kakailanganin para maipakita ng ating mga tauhan ang kanilang pag-uusap sa pamamagitan ng text-messaging. Mainam gumamit ng multi-media approach gaya ng paggamit ng telebisyon o LCD projector para malinaw na mabasa ng mga manunood ang mga mensahe ng ating dalawang tauhan sa isa’t isa.)

TAUHAN:
LALAKE (BINATILYO)
BABAE (DALAGITA)

Ikalawang Eksena: Alas Onse ng gabi. Dalawang silid-tulugan ang nasa magkabilang panig ng entablado. Sa kanan ng entablado makikita ang isang magulong kwarto ng isang binatilyo. May isang kama, maraming magasing nakakalat sa sahig at may gitarang nakapatong sa kanyang swivelling chair. Marahang tumutugtog ang "Back To Highschool" ni Njel de Mesa sa CD player ng Binata. Sa kaliwa naman, mayroong isang maimis na kuwarto ng isang dalagita. Hindi mabilang ang stuffed toys sa ibabaw ng kama niya at mayroon din siyang isang tokador na punung-puno ng kung anu-anong abubot na pampaganda.

(Magliliwanag ang kanan ng entablado.)

(Makikitang nakahiga ang binatilyo.)

(Titignan ng binatilyo ang kaniyang cellphone.)


(Babangon ang binatilyo at maglalakadlakad. Mauupo sa swivelling chair. Magbabasa ng magasin. Bubuntong-hininga.)

(Muling titignan ang cellphone waring may hinihintay na mensahe.)

(Tatayo. Lalabas para umihe.)

(Papasok sa silid at muling titignan ang kanyang cellphone.)


(Papatayin ang ilaw. Mahihiga sa kama.)

(Tatayo mayamaya at muling isisindi ang ilaw.)

(Titignan muli ang cellphone. Mapapailing.)

(Ibababa ang cellphone. Muling papatayin ang ilaw ng silid at mahihiga.)


(Iilaw ang cellphone bigla. Isisindi ang ilaw. Masayang babasahin ni Lalaki and mensahe ni Babae sa kanyang cellphone. *Maaring basahin nang pabigkas ang mga linya. Madalas kasing mag-hang ang computer at LCD projector. At para sa kabataan, nakakabato ang katahimikan. **Sa ibang produksyon, pabigkas na magte-text ang Lalake at kapag natanggap ni Babae, pabigkas niya rin itong babasahin o vice versa. Sa gayon, maipapakita ang pagkakaiba ng subtext ng nagpapadala at tumatanggap.)

MSG mula kay BABAE: [ k. gnyt.]

(Tuwang tuwang sasagot ang Lalake.)

MSG mula kay LALAKE: [ TAGAL MO NAMAN SUMAGOT KYA CGURO SUMUSUKO LAHAT NG SUITORS MO SAYO ] (send)

(Magliliwanag ang kaliwa ng entablado. Sasagot ang Babae.)

MSG mula kay BABAE: [ y? suitor b kita? ] (send)

(Sasagot ang Lalake.)

MSG mula kay LALAKE:[ DON’T TEMPT ME I MGHT FILL UP AN APPLICATION FORM.ü SO HOW WAS UR DAY?? ] (send)

(Sasagot ang Babae.)

MSG mula kay BABAE:[ nyar. had d worst day ever. na-l8 ako sa class ko. Pinagalitan ng teacher. wats wors, naiwan ko yung wallet ko sa hse. buti na lang I had a d8 w ths guy aftr skul kaya nakalibre ako ng fud. ahehehe. ] (send)

(Saglit. Mapapailing ang lalake saka sasagot.)

MSG mula kay LALAKE: [ TEKAAA… U D8D W/O MY PERMISSION ?!! THS S A SCANDAL! (Saglit, saka Ita-type)… ü ] (send)

(Sasagot ang Babae)

MSG mula kay BABAE: [ kuya naman.d8 lang naman. diner tapos muvi tapos gudbye kiss. ahehehe.] (send)

(Sa pagbasa ng mensahe ng Babae, manlulupaypay ang Lalakeng binatilyo. Pagpapawisan. Matatagalan bago makasagot ang Lalake.)

MSG mula kay LALAKE: [ NJOY KA NAMAN CGURO NO? ] (send)

MSG mula kay BABAE: [ san? ] (send)

MSG mula kay LALAKE: [ SA KISS…(Bubuntong-hininga saka buburahin.) SA D8 SAN PA?? ] (send)

MSG mula kay BABAE: [ k lang.ü ] (send)

MSG mula kay LALAKE: [ HMP, TAPOS PAG AKONG NAGYAYAYA AYAW MO!ü ] (send)

MSG mula kay BABAE: [ sowee kuya but I only d8 guys. ahehehe. ] (send)

LALAKE: (Pikon.) Ay, salbaheng babae…(Biglang ngingiti saka sasagot.)

MSG mula kay LALAKE: [ YA ME 2 !! ] (send)

MSG mula kay BABAE: [ hahahahahahaha!! how abt u, how was ur day kuya? ] (send)

MSG mula kay LALAKE: (Inis habang tina-type.) [ I WONT ANSWER TIL U DROP D KUYA ] (send)

MSG mula kay BABAE: [ k… kuya. ] (send)

(Maghihintay ang Babae kung sasagot si Lalake. Lilipas ang ilang saglit.)

MSG mula kay BABAE: [ loko lang. How was ur day na? cge na…] (send)

MSG mula kay LALAKE: [ BZ AS USUAL. D KATULAD NG IBA DYAN, PA-D8-D8 LANG. ] (send)

MSG mula kay BABAE: [ I don’t lyk d guy naman e. just had 2 b polite. U know…lyk I m 2 u. ahehehe. ] (send)

LALAKE: (Inis.) Aaaaa ganon, ha?… (Magta-type.)

MSG mula kay LALAKE: [ PANGIT KA.] (send)

BABAE: Ako, pangit?!

MSG mula kay BABAE: [ no mabaho lang… d pa ko kse nalligo e. yuck turn off. ahehehe.] (send)
(Maaalala ni Babaeng maligo. Dali-dali niyang itatabi ang kanyang cellphone at tatakbo sa banyo para maligo.)

MSG mula kay LALAKE: [ SA KIN K LANG KUNG MABAHO KA. PRAMIS.ü ] (send)
(Maghihintay ang Lalake. Walang sagot. Maya’t maya niyang sisilipin kung meron ng sagot. Lilipas ang ilang saglit. Maiinip ang Lalake. Maggigitara muna.)

LALAKE: (Kakanta habang tinitipa sa gitara.) “ I don’t wanna wait in vain for your love… I don’t wanna wait in vain for your love…” (Lilipas ang panahon.)

(Hindi matitiis. Magpapadala ng mensahe.)

MSG mula kay LALAKE: [ KNOCK? KNOCK? IKAW MABA…] (send)

(Wala pa ring sagot. Kakausapin ng Lalake ang kanyang cellphone.)

LALAKE: Pasensya ka na, ha… Hindi ko lang talagang mapigilan ang mga daliri ko…at ang sarili ko. (Mapapaisip) Okey tama na… (Saglit. Marahang itatabi ang cellphone.)…Kaya ko ‘to.

(Susubukan ng Lalakeng matulog.)

LALAKE: (Galit) Walang hiya ka! Hindi ako makatulog!!

(Papasok ang babae sa kaliwa ng entabladong nagpapatuyo ng kanyang buhok. Saka sasagot.)

MSG mula kay BABAE: [ who??] (send)

(Tutugtog ang awiting “You're Ugly I'm Ugly We're Perfect" ni Njel de Mesa. Makakailang palitan sila ng mga mensahe at di nila mamamalayang lilipas ang gabi.)

MSG mula kay LALAKE: [ OO NGA E. PARANG YOU’RE ALONE IN THE UNIVERSE.] (send)

MSG mula kay BABAE: [ buti pa nga ang pinsan ko…may seryosong manliligaw.] (send)
(Luluhod at wari’y magdadasal. Kinakabahan.)

MSG mula kay LALAKE: [ INGGIT KA?? PWEDE NATING GAWAN NG PARAAN…] (send)

MSG mula kay BABAE: [ huh?] (send)
(Saglit.)

LALAKE: (Maiinis) Ang dense naman niya…

BABAE: (Mag-iisip at nagaalala.) Ang assuming ko naman…

LALAKE: Siguro dapat itigil ko na ‘to…

BABAE: Maybe I should sleep this over…

(Saglit.)

SABAY: Kaso, baka isipin niya… (Sabay nilang susunggaban ang kani-kanilang mga cellphone.)

BABAE: (Matitigilan.) Wait! (Saglit.) I’ll wait for him to make the first move…

LALAKE: (Matitigilan.) Tekaaa…Parati na lang ako ang nangunguna, a… Nagsasawa na ako. At saka baka nakukulitan na siya sa ‘kin. Tama na.

(Mahihiga at waring matutulog si Lalake. Maghihintay si Babae. Maiinip si Babae kung kaya’t magsusuklay muna siya nang isang daang beses.)

(Dali-daling babangon ang Lalake na parang binabangungot. Tataghoy.)

LALAKE: (May halong pagkabagot.) FINE!!! Last na ‘to!! Promise!! Last na ‘to! (Malakas na pabigkas habang tina-type. Sabay tugtog ng "Goodnight" ni Njel de Mesa.) “Goodnight…sana kasin’ sweet ng dreams ko ang dreams mo”…ay mali… “kasin’ sweet” … “ko” (Mag-iisip.) … “mo”… “sana kasin’ sweet ng dreams mo…ang dreams ko”…??? (Maiinis sa sarili.) Ano ba talaga’ng gusto mong sabihin?!!

BABAE: (Halos pabulong habang nagsusuklay.) Ano ba talaga’ng gusto mong sabihin?

LALAKE: (Luluhod at waring nagdadasal habang nagta-type sa cellphone.) Sana…napapanaginipan mo rin ako. Sana na isip mo rin ako. Kahit papa’no…

MSG mula kay LALAKE: [ GUDNYT. MA2LOG KA NA. PARANG AWA MO NA. ] (send)

BABAE: (Inis.) How romantic!!?! Pa’no kita sasagutin n’yan???

(Lilipas ang ilang saglit. Susubukang matulog ng Lalake. Tatayo sa pag-beep ng kanyang cellphone.)

MSG mula kay BABAE: (Habang pabigkas na babasahin ni Lalake) [ k. kaw rin.] (send)

LALAKE: (May tuwa at kilig.) Sinagot n’ya ako. Sinagot n’ya pa rin. Grrrabe. Sinagot n’ya pa rin. Yey. Love n’ya ako!!! (Saglit.) Yata… (Saglit. Magtatatalon sa kagalakan ang Lalake.)

OFFSTAGE VO: Anak! Matulog naaa…Go to sleep!!!!

SABAY LALAKE & BABAE: Sorry Ma…

(Saglit.)

LALAKE: Nakupo. Pa’no ko ‘to susundan?? (Mag-iisip, saka ita-type.) “HOW R U?”…hindi… “GUD AM!!” (Matatawa, saka buburahin.) Alam ko na!!!

MSG mula kay LALAKE: [ D PA KO MA22LOG E. M STL BZ E. ] (send)

MSG mula kay BABAE: [ :p grabe. bz with wat? ] (send)

MSG mula kay LALAKE: [ BZ MINDING YOU ] (send)

BABAE: (Matapos basahin ang sagot ng Lalake. Inis.) Sorry, ha!?! (Sa sarili.) Sisihin ba ako? (Sasagot.)

MSG mula kay BABAE: [ huh ?] (send)

LALAKE: You are officially dense!! Do I have to spell it out for you??!

MSG mula kay LALAKE: [ I MIN…D THOT OF YOU KEEPS ME UP OL NITE. ] …ep, dapat may “naks” as dulo… baka s’ya mabigla. (Ita-type.) [ NAKS ] (send)

BABAE: (May paghihinala.) Bakit may “Naks” ?? (Saka sasagot.)

MSG mula kay BABAE: [ Classic. U’ve bin watching 2 many muvis…] (send)

MSG mula kay LALAKE: [ HOY! QUOTING A LINE IS ONE THING, BUT YOU’VE GOT TO MEAN IT FOR IT TO WORK.!] (send)

BABAE: (Maiirita.) Ehhhh…Bakit may “Nakssss”… ???!!!

MSG mula kay BABAE: [ as f u min it…] (send)

MSG mula kay LALAKE: (Inis habang tina-type.) [ HOY I MIN IT NO? ANG SABIHIN MO D MO KO SINISERYOSO…TULAD NG PAG NIYAYAYA KTANG KUMAIN SA LABAS… HMPüüü ] (send)

BABAE: (Napapaisip na may halong pagkabagot.) Bakit may “hmp” at tatlong smiley??? (Mag-iisip.) The three smileys cancel out the “hmp” ??? Gano’n ba ‘yon? (Susuko.) EWAN!!!

(Sasagot ang Babae.)

MSG mula kay BABAE: [ wala kang pera. ahehehe. ] (send)

LALAKE: (Habang binabasa ang sagot ni Babae.) Pero pag ibang tao…(Magtata-type).

MSG mula kay LALAKE: [ ANG SABIHIN MO, AYAW MO. HMP. ] (send)

MSG mula kay BABAE: [ oi,oi,oi, wala akong sinasabing ganyan üüüüü ] (send)

LALAKE: Yeah Right.

MSG mula kay LALAKE: [ FINE. UR RYT WALA NGA AKONG PERA. FINE ](send)
(Galit na biglang hahampasin ng Lalake ang sariling kamay.)

LALAKE: (Habang pinagagalitan niya ang kanyang hinlalaking daliri.) ANO KA BA???!!! Can’t you read between the lines? She doesn’t like you. AT ALL!! Hindi siya interesado! Niloloko mo lang ang iyong sarili. Itigil mo na ‘to bago masaktan pa ang isa sa inyo. (Saglit.) Ep,ep,ep…huwag ka ng mangatuwiran…HUWAG Naaaa!! (Sandaling katahimikan.) HUWAG NA, SABI!! (Magagalit.) SINABI NG HUWAG NA!!! (Biglang kakagatin at ngangatain ng Lalake ang kanyang hinlalaki. Mayamaya’y maiiyak na parang batang nag-aalboroto at mapapaupo sa sahig.)

(Biglang mag-iilaw ang cellphone ng Lalake kasabay ng pag-beep.)

(Kukunin ng Lalake ang kanyang cellphone. Babasahin ang bagong mensahe.)
MSG mula kay BABAE: [ hindi mahalaga kung anong meron ka, kung anong narating mo, ang importante, may mga taong katulad ko na nagmamahal sa ‘yo. e sa kin meron din kaya?]

(Magliliwanag ang mukha ng Lalakeng Binatilyo.)

LALAKE: (Masiglang bibigkasin ang sagot habang tina-type.) A—K—O. (send)
(Lalabas ang isang mensahe sa screen: PLEASE CHECK YOUR SUBSCRIPTION.)

(Sandaling katahimikan.)

(Blackout.)

(Maririnig na lamang ang taghoy ng Binatilyo sa kadiliman.)



TAUHAN:
MATANDANG BABAE
MATANDANG LALAKE

Ikatlong Eksena: Isang Silid Tulugan ng dalawang matandang magasawa. Makalat at mukhang antigo na ang karamihan sa mga kagamitan. Sa may dakong ibaba ng entablado, may isang malaking kamang pandalawahan. Mayroong lumang baol sa paanan ng kama at may lumang aparador na may malaking salamin sa dakong itaas ng entablado. Galing sa isang lumang ponograpo, maririnig ang awiting “Sad Movies” ni Sue Thompson na sinasabayan ng sintunadong pagawit ng isang Matandang Lalake sa labas ng silid tulugan. Nagdadabog na maaalimpungatan ang Matandang Babaeng gusto nang matulog.

BABAE: (Pasigaw.) HUY!!! (Inis.) Hindi ka pa rin ba sawa d’yan sa kantang ‘yan!!

(Lalo pang lalakasan ng Matandang Lalake ang pagawit.)

BABAE: Hoy! Matutulog na ako!! Kasalanan mo kung bangungutin ako! Mahal na Santong Papa, sana’y nag-asawa na lang ako ng lorong maingay o di kaya’y isang sirang plaka! (Sige pa rin ang pagawit ng Matandang Lalake.) HOY!! Kung hindi ka pa sawa d’yan sa kantang ‘yan…ako, sawang sawang sawang sawang sawang SAWA NA!!! …Araw araw na ginawa ng Diyos… (Paawit.) …Saaaadd Muuuvvvviisss… Diyos ko po… (Maririnig ang pagawit ng Lalake.) HOY Patatawarin!! Apatnapung taon mo nang ginagasgas ‘yang plakang ‘yan!! Panahon na sigurong ilibing mo ‘yan…o baka naman gusto mong unahang mailibing… sabihin mo lang…gagawa ako ng paraan… (Mag-ngingitngit.).

(Maririnig pa rin ang Lalakeng umaawit.)


BABAE: HOY TANDA PATAYIN MO NA ‘YAN!!! Kung ayaw mo pang matulog…MAGPATULOG KA!! (Maiinis na magdadasal.) O, Panginoon ko…kunin mo na siya…kung may kaunti kang malasakit sa akin…kunin mo na siya!!

(Biglang Katahimikan.)

BABAE: (Takot.) Ay!! BIRO LANG PO PANGINOON KO!! Ibalik mo siya! Ibalik mo siya!!

(Magsisimula muli ang pag-awit sa ponograpo at ng Matandang Lalake.)

BABAE: Kayo naman…di na mabiro. (Sa Matandang Lalake.) Hoy, matulog na tayo!!

(Tatayo at madudulas sa mga nakakalat na gamit sa sahig ng silid.)

BABAE: (Tititigan ang kalat sa sahig.) Maingay ka na…makalat pa.

(Matitigilan. Bubuntong hininga. Mapapangiti.)

BABAE: Gaya ng dati… (Aayusin ang mga gamit ng Matandang Lalake.)

BABAE: (Pasigaw.) Ililigpit ko na itong mga luma mong mga magasin at plaka, ha??!! Huwag kang magtataka’t mangangaway ‘pag nasa loob na sila nitong antigo mong baul, ha?!! (Pabulong.) Ulyanin ka na kasi, e.

(Bubuksan ang baul at iimisin ito. May makikitang lumang kulay-kaki o itim na jacket na yari sa balat. Ipapagpag ang jacket. Mapapangiti. Ibabalabal ng Matandang Babae sa kanyang sarili ang jacket.)

BABAE: Gaya ng dati…

(Tatanggalin ang jacket at isasayaw ito sa hangin.)

(Bibilis ang sayaw. Maalikabok ang jacket kung kaya’t biglang aasmahin ang Matandang Babae.)


(Titigil sa pagsayaw. May makakapang liham sa bulsa ng jacket.)

BABAE: (Babasahin ang pabalat ng liham sa sobre.) “Para sa taong dati’y minahal ko rin.” (Magugulantang at maghihinala.) …ano ito…ni minsan di mo ako sinulatan ng liham…at ngayon…wawalang-hiyain mo pa ako…lalaki kang talaga… (Magkukubli para basahin ang liham. Magsusuot ng kanyang salamin sa mata.)

(Babasahin.)

“Kung ikukuwento ko sa ‘yo kung gaano kita ka mahal ngayon, baka sabihin mong ninakaw ko lang ang mga katitikan ng kung anu-anong lumang kundiman. Ganoon pala ang nagmamahal. Sadyang nakatutuliro at nakababaliw. Tama pala silang mga umibig bago sa akin. Walang pagkakaiba ang araw at gabi sa isang taong nahuhumaling. At minsan pa, walang tama at mali. Para kang isang asong masayang humahabol sa sariling buntot. Pasirko sirko, paikot ikot ang isang di maburang ngiti sa iyong isip. Habol ka pa rin ng habol sa ngiting ‘yon. Hindi ko lubos na maintindihan. Gusto kong suriin ngunit natatakot akong baka sayang. Baka matulad lang sa pagkaing nawawala ang sarap kung pilit mong inuusisa kung bakit siya masarap.

Siguro walang katuturan ang mga pinagsasabi ko sa ‘yo ngayon. Malamang pinagtatawanan mo na ako ngayon. Kilala kita. Pasensya ka na, unang beses kong makadama ng ganito. Sa tanda kong ito, mahiwaga pa rin ang lahat ng ito para sa akin.

Bago ito sa buhay ko. Bago ka ngayon sa buhay ko. At bago ka, nagsawa na ako sa buhay…naging batong bato na ako sa paulit ulit na dagok ng pagsubok. Sabi ko, “Panginoon, handa na ako’t maari mo na akong kunin sapagkat naranasan ko na ang lahat ng maaring danasin sa isang buhay-tao.” Wala ng nalalabing surpresa para sa akin ang buhay. Naubusan na siya ng hiwaga. Iyon ang akala ko. Hindi pa pala.

Bago ka, akala ko… nagmahal na ako. Hindi pa pala.”

BABAE: (Luhaan.) Aray ko po…

“Dahil sa iyo, napipintahan ng bagong kulay at sigla maging ang mga karaniwan kong kalakaran; ang araw araw kong pagehersisyo,”

BABAE: Pwes, malaki pa rin ang tiyan mo… (Patuloy sa pagbasa.) “pagsisipilyo, paghuhugas ng pinggan,”…

BABAE: Ni hindi ka nga marunong… (Patuloy sa pagbasa.) “…maging ang pagpanik-panaog sa hagdanan. Lahat nagkakaroon ng dahilan. Lahat may pag-asa. Lahat nagbabago; ang nuo’y dating dilaw ay nagiging asul. Sadyang nakatutuwang isiping napagtitiyagaan mo ako. Sino’ng magaakalang matatagalan mo ang isang matandang huklubang katulad ko?”

BABAE: Oo nga… (Patuloy sa pagbasa.) “ Hanggang ngayon at kahit ilang taon pa ang lumipas, gaya ng nasabi ko, hindi kailanman ako magiging karapat dapat para sa iyo. Ngunit maglalakas loob na ngayon akong sabihin sa iyo…mahal kita. Biruin mo, akala ko sa harap ng altar ko makikita ang babaeng tunay kong mamahalin. Hindi pala. Ikaw pala. Ngayon.”

BABAE: (Hahagulhol.) Walang hiya! Ang walang hiya!! Pagkatapos nang ilang taon ng pagtitiis!! Walang hiya!! Ilang taon! Ilang taon! Ni hindi ko narinig na mahal mo ako! Ilang taon! Buti pa siya!! May pa keyk keyk ka pa kahapong anibersaryo ng kasal natin!! Hayoooop!!! Hudas ka… Barabas ka…si Hestas ka…May asim ka pa palang maging salawahan!! (Aasmahin.)

(Biglang maririnig na papasok ng silid ang Matandang Lalakeng umaawit pa rin ng “Sad Movies”. Dali daling ibabalik ang liham sa loob ng jacket at saka ipapatong sa baol. Pilit itatago ng Matandang Babae ang kanyang luhaang mga mata.)


LALAKE: O…akala ko ililigpit mo na ang mga ito… (Tinuturo ang mga kalat sa sahig.)

BABAE: (Padabog.) Kaya mo na ‘yan!! MALAKI KA NA!!

LALAKE: (Mapapangiti na lang.) O, siya…matulog ka na…ako ng bahala…

BABAE: Talagang BAHALA KA!!! Mula ngayon, bahala ka na sa sarili mo!!

(Padabog na hihiga sa kama. Magtutulog-tulugan.)

LALAKE: (Nagtataka.) Ano na naman ito? (Sandaling Katahimikan.) Baka naglilihi…hihihi…

(Ililigpit ng Lalake ang kanyang mga lumang gamit habang humihiging ng “Sad Movies”. Makakapa niya ang liham sa bulsa ng jacket. Babasahin ang liham.)

LALAKE: Aysus!! Nand’yan ka lang pala. (Matatawa.) Ulyanin na nga ako. (Tatawa nang malakas.) Hahahahaha!! (Maaalalang natutulog ang Babae. Matitigilan.) Ay. (Bubuntong hininga.)
(Pupunta sa kanilang aparador at saka kukunin ang kalahati ng liham. Babasahin nang malakas ang liham na wari’y binabasa nang patalumpati sa nagtutulog-tulugan niyang asawa.)
“Alam mo namang hindi ako bihasang magsulat ng mga ganito. Kung kaya’t hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. Ngunit, alalang-alala ko pa rin kung paano tayo nagsimula. Dalawang tao tayong pinagtagpo ng lumbay sa magkabilang dulo ng ating mga telepono. Sadyang aaminin ko na; hindi ko lubusang kilala kung sino ka noon. Gayun din, hindi mo rin lubusang kilala kung sino ako noon. Ngunit ng dahil sa isang ‘di sinasadyang panawagan sa iyo, napakwento ako tungkol sa isang napanood kong nakatutuwang pelikulang kartun na umantig sa aking damdamin. Nagsimula sa tawanan ang ating usapan ngunit nauwi sa aking pagtangis. Kakatuwang napaluha ako ng isang pelikulang pambata’t kartun. (Hagulhol pa nga yata iyon, kung di ako nagkakamali.) Ang mahalaga, tinanong mo sa akin kung bakit ako tumatangis. Sinagot ko naman at tahimik ka lang na nakinig. Nauwi tayo sa isang palitan ukol sa ating mga pananaw sa buhay… na nauwi naman sa di ko pa rin maunawaang pagkagumon sa iyo. Bagaman nalulong ako sa iyo, hinayaan ko na lang tumubo tayo sa isa’t isa. Lumipas ang mga buwan, nagkahinala na akong (Matitigilan.) … mahal kita. Subalit may mahigpit na tunggalian sa aking kalooban kung kaya’t napasambid ako ng “ano ngayon kung mahal kita?”. Nakintal sa isip kong hindi ako karapat dapat na magpatuloy sa iyo, ngunit nahinuha ko ring…sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako. (Para palang kumunyon ang pagmamahal.) Sabi ko… lilipas din ito ngunit may pintig sa loob kong nanggagalaiting kumilos… Sabi ko, “huwag na”, dahil hindi ko yata kayang masikmurang ipain ka sa tiyak na kapahamakan…sa akin. Di ko napigilang lumipas ang mga buwan, pinilit kong tambakan ng trabaho ang di maburang nakangiti mong mukha sa aking isipan upang makalimutan ka. At muntik na akong magtagumpay.

Kung hindi lang isang araw, may narinig akong isang awit. Isang awit na siguradong sawa ka na ngayon.”

(Muling hihiging ng “Sad Movies”.)

“Naalala ko yung pelikulang kartun. Yung masarap nating paguusap. At sabi ko, sana… kausap kita habambuhay. At sumuko na ako.”

(Maluluha ang Matandang Lalake.)

“Ngayon, matapos ang tatlong pagbubuntis, matapos ang limang paglilipat bahay, matapos ang apatnapung taon ng pagsasamang talamak sa sari saring problema at pagtatalo tungkol sa; pera…pag-aaruga ng anak…pagpapalaki ng anak…pagpapaaral ng anak… paghahanap-buhay…basta, tungkol sa pera…sa, kung anong pagkain ang iluluto, kung anong sabong panlaba ang bibilhin, kung ano’ng sasakyan ang sasakyan, ano’ng istasyon ang papanoorin…Marami-rami na rin pala tayong pinagtalunan, ano? Pero, nagpapasalamat pa rin ako, na nung araw na muntikan na kitang malimutan, narinig ko yung awit na iyon. At sumuko ako.

Salamat sa Diyos, sumuko ako.”

(Kukunin ang ikalawang bahagi ng liham at muling babasahin.)

“Kung ikukuwento ko sa ‘yo kung gaano kita ka mahal ngayon, baka sabihin mong ninakaw ko lang ang mga katitikan ng kung anu-anong lumang kundiman. Ganoon pala ang nagmamahal. Sadyang nakatutuliro at nakababaliw. Tama pala silang mga umibig bago sa akin. Walang pagkakaiba ang araw at gabi sa isang taong nahuhumaling. At minsan pa, walang tama at mali. Para kang isang asong masayang humahabol sa sariling buntot. Pasirko sirko, paikot ikot ang isang di maburang ngiti sa iyong isip. Habol ka pa rin ng habol sa ngiting ‘yon. Hindi ko lubos na maintindihan. Gusto kong suriin ngunit natatakot akong baka sayang. Baka matulad lang sa pagkaing nawawala ang sarap kung pilit mong inuusisa kung bakit siya masarap.

Siguro walang katuturan ang mga pinagsasabi ko sa ‘yo ngayon. Malamang pinagtatawanan mo na ako ngayon. Kilala kita. Pasensya ka na, unang beses kong makadama ng ganito. Sa tanda kong ito, mahiwaga pa rin ang lahat ng ito para sa akin.

Bago ito sa buhay. Bago ka ngayon sa buhay ko. At bago ka, nagsawa na ako sa buhay… naging batong bato na ako sa paulit ulit na dagok ng pagsubok. Sabi ko, “Panginoon, handa na ako’t maari mo na akong kunin sapagkat naranasan ko na ang lahat ng maaring danasin sa isang buhay-tao.” Wala ng nalalabing surpresa para sa akin ang buhay. Naubusan na siya ng hiwaga’t salamangka. Iyon ang akala ko. Hindi pa pala.

Bago ka, akala ko… nagmahal na ako. Hindi pa pala.”

Dahil sa iyo, napipintahan ng bagong kulay at sigla maging ang mga karaniwan kong kalakaran; ang araw araw kong pagehersisyo, pagsisipilyo, paghuhugas ng pinggan, maging ang pagpanik-panaog sa hagdanan. Lahat nagkakaroon ng dahilan. Lahat may pag-asa. Lahat nagbabago; ang nuo’y dating dilaw ay nagiging asul. Sadyang nakatutuwang isiping napagtitiyagaan mo ako. Sino’ng magaakalang matatagalan mo ang isang matandang huklubang katulad ko? Hanggang ngayon at kahit ilang taon pa ang lumipas, gaya ng nasabi ko, hindi kailanman ako magiging karapat dapat para sa iyo. Ngunit maglalakas loob na ngayon akong sabihin sa iyo…mahal kita. Biruin mo, akala ko sa harap ng altar ko makikita ang babaeng tunay kong mamahalin. Hindi pala. Ikaw pala. Ngayon.”

LALAKE: (Idudugtong matapos basahin ang liham.) …makalipas ang apatnapung taon. Sa hirap at ginhawa…sa dusa at ligaya…ikaw lamang ang aking iibigin…at itatanging karugtong ng buhay ngayon at… (Saglit) kailanman. (Mapapabulalas ng tawa.) Hahahaha!!! Ang panget!! Buti na lang hindi ko binigay kahapon!! (Lulukutin ang liham at saka itatapon sa basurahan.) Hindi talaga ako marunong sa mga ganyan…hehehe. Pagkahaba-habang liham…gusto ko lang naman sabihing… (Habang nagkakamot ng tiyan.)… mahal kita…(Mananalamin sa aparador at saka magsusuklay. Mahihiga sa kama katabi ng nagtutulog-tulugang asawa. Hahalik sa pisngi ng Matandang Babae.) Mwah. Gud nayt. (Papatayin ang ilaw.)
(Maghihilik ang Matandang Lalake.)

(Marahang babangon ang Babae. Kukunin ang liham sa basurahan. Babasahin nang tahimik ang lukut lukot na liham. Sa dilim, aawitin ng Babae ang saulado na niyang “Sad Movies”. Maiiyak. Aasmahin.)

TELON


* No part of these plays may be staged without a written permission from the author.For performance rights and inquiries email ktfi2001@yahoo.com or call/text (0917)9726514 or send a PM to www.facebook.com/NjeldeMesaMUSIC

PRAISE FOR THE PLAYWRIGHT

“[Njel de Mesa’s] SUBTEXT showed a sensitivity, humor, preciseness and innovative use of language one would expect from an artist much older.”
-Starweek Mag, Main feature

“His story is poignant, telling us that even though we are down in the doldrums and contemplating about ending it all, we’ll always have someone who will care and be there for us. We just need to open our eyes to find them.”
-Fudge review on Deus Ex Machina

“Njel de Mesa’s award winning play translates very well onstage. It is Filipino wordplay at its best, and it’s where the playwright’s inventiveness shines through. De Mesa wields a mighty pen, if it has the power to get audiences lost for breath even as they’re just in their seats.”
-Mayee Corpin, ClicktheCity.com review on I Laugh You

“Young local playwright Njel de Mesa’s versatile comedic wit is inimitable, it is both at once, classic and fresh.”
-FU Magazine on Starring Miss Lea Salonda

“[Starring Miss Lea Salonda] flourishes in characterizing the pretentious audience and the presumptuous artists in a world where accents are fake, stories are inconsequential, and stage shows are glamorous and stylized simply because life’s shows’ are just too much to bear/bare.”
-Chito Domingo, Fudge review

“The most prolific playwright of this generation!”
-Fudge Magazine feature

“Wit and repartee are good for One Act plays and Win-win has these…”
-Fudge Magazine review on Win-Win

“A trio of ingenious, oh-so-real scenes on the layers of meaning conveyed by words…[his] literal play of words moves from text misunderstanding to unspoken, heartfelt messages discovered by chance.”
-Sunday Inquirer Magazine

“Witty, light and real!”
-Fudge Magazine review on Old Apologies

“Magnificent in its own way because it encourages the audience to participate in the onstage process[…] His plays are personal and […] truly exceptional in terms of the arts!”
-Fudge Magazine Review on Over and Over

“Perfect Storytelling!”
-Eunice Malijan, review on Desu Ex Machina

“Uniquely inspiring for the work of God at hand!”
-ICM Links commentary on Jesus Cries

“The narrative itself takes centerstage!”
-Rebelpixel.com

“10 Minuto Bago Makaraos gives a whole new meaning to toilet humor. The laughs mostly come from the well written script and the precious timing of each element of the story. A perfect combination of wit, drama (the audience was moved to silent tears in some parts), a bit parallel social relevance and hilarity.”
-Aina Luna, Fudge Mag Yr.2 Iss.6 Feb2006

“Funny and thought-provoking!”
-REAL Living Magazine

“Njel de Mesa’s play Starring Miss Lea SalonDa is one play that dauntlessly addresses the most painful issues about the local theater scene. It questions, scoffs, provokes, taunts, jests, and even brags at local theater practices and conditions that the audience might not be aware of. It is definitely an eye-opener. Cleverly written with ‘trying-hard-british-inflection’ in mind, the show is absolutely funny but it may take some time before you actually get the joke. This sort-of-a-theater primer will not really star you-know-who but it drives home the point that it is the material in the end that gets the artistic job done (and not some supahstah). Heighten your intellect on this one, brit-humor plus Pinoy-slapstick equals one guffawing show for one and all.”
-ClicktheCity.com, Arts & Culture feature, Oct2005

“A tender, humorous study of the power of suppressed dreams and longings… snappy dialogue interspersed with mushy but moving moments bring back the bittersweetness of lost love.”
-Troy Barrios, Fudge Mag review on Somnambulism

“Matapos ang Yihee is a new play from the ingenious mind of Njel de Mesa who gave us the hit ‘Subtext’ and the one man monologue of ‘Over and Over’. […] Njel and the people in Koiné do know the specific things in life that keeps the world turning and keeps our life interesting as well.”
-Eunice Malijan, Fudge Mag review on Matapos ang Yihee

“The denouement is touching, laugh-till-you-cry, and true –which is why this one-act play deserved its extended run (and probably should go on a campus tour to remind the senoritas and senoritos that not everyone from the province who works as a maid is dimwitted—they just have a different way of thinking).”
-Anna Gan, Fudge Mag review on Ayayayayaya! Sept 2006

REVIEWS ON NjEL DE MESA

“As Creative Director, Njel will teach everything he knows about acting for the theater. He is the new actor’s coach and mentor, and probably his or her worst critic. He scares them on the first interview, but really, he just tells it like it is.”
-Roda Novenario, FUDGE Magazine (Oct04)

"Jaunty, young and very intense, Njel, 24, exudes the determination of a person driven and displays the idealism usually associated with those unsullied by life’s realities.”
-Alma Anonas, STARweek Main Feature (22June03)

“Nais ni Njel de Mesa ibigay ang isang payak at palasak na palabas, isang uri ng teatro na intimate at marahil pampamiilya. Bilang total performer na aktor, direktor, singer, writer, koryograper all-rolled-into-one, pambihira ang enerhiya at dedikasyon ni Njel sa kanyang sining. Ang dagdag gawain niya ay magsanay o magbigay ng training para sa mga grupo ng kabataan sa Payatas. Ingles ang gamit ni Niel para umapila ng donasyon sa manunuod habang sumasayaw at kumakanta pagkatapos ng curtain call. This is a humbling gesture of a theater artistic director not having qualms to solicit support for the vision he believes in. GREAT SOUL, GREAT GUTS, GREAT GUY. Nakakahawa ang kanyang sigla, saya, at passion para sa teatro. Niel is fit, bubbling with enthusiasm in sharing his plans and vision to every willing pair of ears that would listen to him. Wala siyang arte, hindi mahirap kausapin, hingan ng tulong pamproduksyon at sinsero palaganapin ang galing ng teatro para sa mahihirap.”
-Aurora Veronika, Abante Tonite Sunday Special (8 Jan 06)

“Suppressed Desires and Stealth Mode are definitely better alternatives to seeing movies riddled with too much special effects to compensate for bad acting. Add the fact that it is the only intimate theater in the country and, as overheard, the perfect date venue. And in terms of performance, Njel de Mesa leaves nothing to be desired.”
-Denice de Guzman, Fudge Magazine Issue#2 Yr.2/2005

“Njel de Mesa deserves to be recognized, not only in entertaining and training people, but also in their belief that the common person can entertain no matter what one’s background may be. They have proven that theater is always the best place where you can find good character acting and story telling, just as long as you are true to the art and to yourself.”
-Eunice Malijan, Fudge Magazine Issue#9 2005

“De Mesa delivers a comic twist to these two plays [Red Carnations and The Case Of the Crushed Petunias], which would otherwise be interpreted much differently in the hands of a conventional director. It would be interesting to see what other works he can re-envision as comedies.”
-Anna Gan, Fudge Magazine Issue#8 2005

“What makes [it] engaging, albeit its basic plot, is director Njel’s idea of casting kids who are perhaps even younger than 12 years old. Although these two stories revolve on simple plots, the actors’ exceptional acting made these presentations ultimately absorbing. We’re hoping to see more of these artists in more productions…”
-Lilith, Fudge Magazine Issue#6 2005

“Frantic and funny, the comedy has you doubled over from the first minute to the last, you have to be thankful it’s pretty swift or you’ll be passing gas all the way home.”
-Mayee Corpin, clickthecity.com, 28 Dec 2005

“Koiné’s uncanny ability to create original plays that will tickle our society’s funny bones is unparalleled!”
-ClicktheCity.com, Arts&Culture feature, Oct2005

“Excellent treatment of both plays (S.A.W.I. and Starring Miss Lea Salonda). Just when you thought theater necessitates the proverbial outlandish acting, the thespians pull off something quite natural and real. The intimate setting redefines the theater-going experience in almost the same manner that DVD revolutionized personal cinema. Putting two diverse performances together is a testament to Njel’s sheer virtuosity, exacting a complete 180 degree, from juvenile musings to sophisticated parody.”
-Chito Domingo, Fudge Magazine Issue#4 2005

“Whether or not you have been a victim of irritable bowel syndrome and/or have experienced the complexities of Filipino courtship, viewers will surely love these one-act plays by the witty Njel de Mesa.”
-Aina Luna, Fudge Magazine yr.2, Iss.6 Feb2006

“When Njel de Mesa speaks, it is with a passion that carries his voice far across the restaurant we’re in, and turns the heads of people in the neighboring tables. We are joined by several of his kids, an energetic bunch who regard their DireQ with a little awe, and as much love as they can muster. Between teacher and students, there is an easy camaraderie that is regularly punctuated by laughter. There is an intensity about the 27-year-old, especially when he talks about his kids, an almost palpable forcefulness of character possessed only by those blessed with zeal, with a rich, deep and unshakeable faith.”
-Raymz Maribojoc, STARweek Vol.XX no.19, June 18, 2006

Sensitively-handled direction, enthusiastic actors and good material. Definitely worth fighting Kamuning rush hour traffic for a few blissful hours of cathartic stress-free entertainment.”
-Anna Gan, Fudge review Sept2006

“DIREQ” NJEL DE MESA Profile Overview



Featured in Reuters, Reader’s Digest, Probe, TV Patrol, 24 Oras, The Correspondents and every major broadsheet and glossy in the country as an all around performer, Njel de Mesa, fresh from his major concert at Eastwood last summer, will be releasing his hiphop album, VERSASTYLE, January 2009.

He is a critically acclaimed stage actor and director for Koiné, NCCA, and CCP—his plays won best play awards from 24/7 Nocturnal Awards, Aliw Awards nominations, and National Shoppers Choice hailed his theater company, Koiné One Acts as number 1 entertainment Center in QC.

Right after graduation, he founded Koiné Theater Foundation, a foundation that grants absolutely free performing arts classes to streetkids and has served 570 scholars to date with Mission Stations in Payatas, Smokey Mountain, Montalban, Commonwealth, Taguig, Marikina, Tondo, Pandacan and a provincial chapter in Nueva Ecija.

He is a multi-Don Carlos Palanca award-winning writer and has published two books, “Mga Dula ni Njel de Mesa” and “Pa’no Maging Magaling na Spinner?”. His children’s plays are also a part of play-anthologies published by UST and U.P. Press. He now judges the Palanca Awards.

An award-winning songwriter and musician able to play 16 musical instruments, he owns and sound engineers for STUDIO ni DireQ digital Recording Studio. He won the DREAM Songwriting Competition in 2006 and is a member of Katha and the Filipino Society of Composers.

A professional production and graphic designer, he has designed big musicals such as costumes for Trumpets’ Little Mermaid, Noah’s Big Boat, Alice in Christmasland, Fisherman and his Wife, The Happy Prince, Joseph the Dreamer. He owns Vivid Vizuals graphic design firm.

As a professional choreographer for the stage, TV shows and MTVs trained by Swiss Chamber Ballet, Powerdance, PBT, DanceArts, he teaches Hiphop, Jazz, Flamenco, Tap, Yoga, Ballet, Breakdance, Tai-chi and Contemporary dance.

He is a creative account executive at Stages Production Specialists, events director for Livewire and ActivAsia.

He has taught part-time and has given lectures in DLSU, ADMU, PNU, UST, CCP and Temple Hill I.S.

He is the proprietor of the Quickstep dance Studio and Sideman Lee lights and sounds rental.

He regularly gives lectures and workshops on Liturgical Dance Choreography to various ministries and church organizations using his I.S. thesis.

He was the Departmental awardee for I.S. batch 2000 and has also won Ateneo’s Dean’s Awards for the Arts, Meg Magazine’s 50 young achievers of 2003, Chalk’s Young & Beautiful Batch of 100, and was adjudged Most Outstanding Individual for Service and Excellence.

As a Marketer, he is nominated this year as Young Market Masters of 2008 and has won Philippine Quality Award for Business Excellence 2004, the Philippine Star Award and Global Awards for Marketing Excellence 2005.