Search This Blog

MATAPOS ANG YIHEE


ni Njel de Mesa

TAUHAN:

LALAKE

BABAE

*Maghahalinhinan ang drama at sayaw kung isasaentablado ang dulang ito. Ang produksyon na ito ay mangangailangan ng isang mahusay na Dancesport at Contemporary dance choreographer—kailangan maipakita sa mismong sayaw ang nagaganap na tunggalian hanggang mapagod ang mga artista.

(Barestage. Dance floor. Dalawang mag-syota ang nagso-slow dance sa isang nakakakilig na tugtuging Rumba. *Galing sa “The Road Less Travelled” ni M. Scott Peck ang ilan sa mga pariralang nasa Ingles.)

LALAKE: The experience of falling in love allows us a temporary escape. (Patlang.) Baby…

BABAE: Falling in love is a sudden collapse of two individual’s ego boundaries… (Patlang.) Honey…

LALAKE: …permitting two identities to merge with that of another. (Patlang.) Sweet…

BABAE: The sudden release of oneself from oneself… (Patlang.) Dear…

LALAKE: …the explosive pouring out of oneself to the beloved… (Patlang.) Love.

BABAE: …the dramatic surcease of loneliness is…

SABAY: Ecstatic. (Saglit. Magtitigan.) We are one. Loneliness is no more!

LALAKE: Ang buong mundo ko’y ikaw at para sa ‘yo.

BABAE:(Pabulong.) Gusto kong isigaw na mahal na mahal kita…

LALAKE: Sssshhh… ‘wag mo nang isigaw. (Magtititigan.) Dinig na dinig ko na.

BABAE: (Manghihina ang tuhod. Mabubuwal. Aalalayan ng Lalake.) ‘Pag kasama kita, parang walang problema.

LALAKE: Yes, all things seem possible. United we can conquer all.

BABAE: Masyado bang maaga sabihing: ikaw na nga?

LALAKE: Huli ka na sa balita… para sa akin… Ikaw na nga…

BABAE: Habambuhay?

LALAKE: Magpakailanman.

BABAE: Alam mo? Nakakahiya, pero…

LALAKE: Kinikilig ka?

BABAE: Sobra.

LALAKE: Gaya gaya.

BABAE/ LALAKE: Haaay…

(Sisidhi ang kanilang pagru-rumba at pagdidikit ng kanilang mga katawan. Kung saan saan mapupunta ang kanilang mga kamay bunga ng kapusukan. Maghahalikan. Kapwa silang hahalinghing nakapikit habang papalapit ang rurok ng tugtuging kanilang sinasayawan.)

SABAY: (Sa kasukdulan.) I love you.

(Sandaling katahimikan. Magpapalit ang ilaw. Mapapalitan ang malamyang Rhumba ng isang mabalasik na Tango.)

BABAE: (Nagsusungit. Marahas na itutulak ang Lalake papalayo.) Pwede ‘wag ka munang makulit.

(Sisimangot si Lalake. Maghahanda silang mag-ensayo para sa kanilang competition. Magbibihis ng rehearsal attire. Bibigkasin nila ang mga linya habang inaaral nila ang bago nilang Argentine Tango choreography.)

LALAKE: Postura! (Kapwang magta-Tango preparatory pose.) One by one…

BABAE: …gradually or suddenly…

LALAKE: …the ego boundaries snap back into place. (Patlang.) Hindi ka man lang tumawag kagabi.

BABAE: Gradually or suddenly… they fall out of love. (Patlang.) Pwede ‘wag ngayon. Meron ako, e.

LALAKE: Once again…they are two…

SABAY: …separate…

BABAE: …individuals. (Maaring magsama ng “pagpupumiglas sa isa’t isa” sa choreography.) We either dissolve the ties of our relationship…

LALAKE: …or initiate the work of real loving. (Mag-iiba ng usapan.) Salidas! (Magpapalit ang ilaw.)

LALAKE: O, ano?

BABAE: (Umiiyak.) Ano?

LALAKE: Umiiyak ka na naman.

BABAE: Ang hirap e. Sunud-sunod. Di ka pa tapos…

LALAKE: (Winawasto ang Babae.) “Tayo.”

BABAE: Di pa “TAYO” tapos sa isa…

LALAKE: Heto na naman tayo.

BABAE: Nahihirapan na ako.

LALAKE: “Tayo”.

BABAE: (Inis.) Oo na.

LALAKE: Heto na naman tayo.

BABAE: Heto ka na naman.

LALAKE: Ako?! What’s that supposed to mean: “Heto ka na naman”? It was YOU who asked me for a favor. But it was ME who pulled out all the stops just to please you. Tapos, it was you YOU who just had to cancel the last minute. Spare me the platitudes. How can this be about me? E, hindi mo man lang ako tinanong how I felt about it. Ngayon, AKO pa ang may problema? “Heto KA na naman”! Malinaw namang ayaw mo akong isali sa pagdedesisyon mo… Ayos ‘yan, tanggalan mo na rin ako ng papel sa buhay mo, while you’re at it. (Saglit. Magtitimpi.) Sorry. Ayoko na sanang sabihin ‘to baka kasi lalong hindi mo na ako pagbigyan ng kahit na anong papel sa buhay mo… You know, stop asking favors ‘cause it’ll just turn out like this… at ayaw kong mangyari ‘yun. Ayaw kong mangyari ‘to.

BABAE: I had no choice.

LALAKE: Pwes, sana pinaglaban mo. I had to cancel all my appointments to tend to your needs, tapos you’re going to flake out on me just like that. Ewan… maybe you just couldn’t care less.

BABAE: Ouch.

LALAKE: Look, minsan ayoko nang magsalita… nakakasakit lang ako lalo. Tapos ‘pag nakikita kitang nasasaktan, I’d blame myself… ako rin ang nasasaktan. Ewan. Am I demanding too much that you demand naman something from me? Anong gusto mo, maging sirena ako just to be part of your world? C’mon, I just want to feel involved and needed. How hard can that be? All you’ve to do is close your eyes, think of England, and call me when you need anything… Jiros con la Barada!

BABAE: Sinusubukan ko ngang bigyan ka ng maraming papel pero imbes na matuwa ka… lalo kang nagkakaganyan. Pwede ka rin naman humingi ng tulong sa akin, a. Hayaan mo din akong ma-involve sa buhay mo. Ikaw lang naman talaga ang inaantay kong lumapit sa akin para humingi ng tulong… dahil pakiramdam ko ‘pag nagkusa ako, e, baka masyado na akong pumapapel sa buhay mo.

LALAKE: “AKO” ang inaantay mo? Pa’no ako hihingi ng tulong sa’yo? E, parati mo naman akong hindi napagbibigyan. Na-trauma na ako sa kahihingi. Nagmumukha lang akong patay gutom sa pansin. Kaya I gave that up, para ‘di na ako ma-disappoint. Tignan mo ngayon, pati sa sayaw na ‘to, I just end up following your lead.

BABAE: Pwes, takot din akong gumalaw dahil wala man akong gawin o may gawin man ako, e, may naririnig ako. Pero wala akong magawa kundi tanggapin ang lahat. Kaya naman ako na lang ang humihingi ng tulong sa ‘yo at baka sakaling bigyan mo ako ng second chance and ask for my help, in turn.

LALAKE: So you’re telling me, everytime you need my help, you don’t actually NEED my help? Wow, what a waste of energy! I am not requiring you to ask me for help. Ayaw mo, ‘wag mo! Marami pang iba d’yan who’d be willing to accept and even pay for my services.

BABAE: No, alam mo namang nahihirapan akong mag-adjust na humingi ng tulong o magpatulong sa ‘yo kasi… sanay akong mag-isa, sana’y akong magtrabaho mag-isa, sumayaw mag-isa. Kaya full-effort na lunukin ko ang pride ko at isipin kong hindi ko na kayang mag-isa. You’re forcing me to be dependent after years of training myself to be independent!

LALAKE: Who’s forcing who?! You agreed to be my partner! Independent?! Please! E, ba’t ‘pag may kailangan ka, sa iba ka pa tumatakbo? Nalalaman ko’ng mga problema mo sa bestfriend ko pa dahil sa kanya ka nagco-confide. Alam naman nating may gusto pa rin ‘yun sa ‘yo hanggang ngayon… sa kanya ka pa tatakbo. Tapos ‘pag nagselos ako…sinong mali? Ako, syempre. Kung gusto mo kayo na lang ang magsayaw for this competition. Baka mas may chemistry kayo.

BABAE: Busy ka, most of the time.

LALAKE: Wow! El Retroceso!! Oh, come on. You know I’d drop everything just to hear you whine! Palalabasin mo pa na wala akong oras para sa ‘yo. Sa dami ng pinasok mong activities, ikaw ang walang oras para sa akin! Ni oras nga magpraktis for the tournament wala ka… para sa akin pa. I can already hear the judges whisper: we suck as a couple. If they’d still call us that.

BABAE: What’s happening to you?

LALAKE: You are! Reverse turn na po, nasa side step ka pa rin! Sumunod ka naman sa lead ko. O, baka gusto mo mag-solo? Madalas mo na rin namang gawin ‘yon.

BABAE: Masama bang mag-solo paminsan? Para hindi ako makapag-isip ng masama at pangit, I had to occupy myself with things I used to do… like jazz, ballet… hiphop classes.

LALAKE: Nag-hiphop ka? You know very well, how that can ruin your form.

BABAE: Well, I had to keep myself busy from thinking about the things that I should not be thinking about.

LALAKE: Like me.

BABAE: No, like this competition! It’s putting a lot of pressure on me!

LALAKE: You mean, I’m putting a lot of pressure on you?

BABAE: Agh. What I’m trying to say is that those dance classes I took sa ibang studio served as a cushion when I was supposed to have fallen hard flat on my face. Hindi na ba ako pwedeng magkaroon nang sariling activities, nang sarili kong mga kaibigan?

LALAKE: Whoa, what’s next? Sasabihin mo, sinasakal kita? I just want to be involved or atleast, feel involved. I need to be needed, hindi ba obvious ‘yon? I wouldn’t be bringing this up if THIS issue is not chronic. Ilang beses na bang nangyari ‘ang ganyan, ha?

BABAE: Maghuhukay ka na naman ng mga isyung patay na. Can we just move on? Bagong sayaw na ‘to. We can’t go back to our old choreography.

LALAKE: Move on? How can we do that, if you haven’t learned your lesson?

BABAE: Stop living in the past! Yes, I miss “before” too… when we were doing dancesport just for kicks. Enjoying ourselves. Making out most of the time. I miss it a lot. More than a lot. God, that was the best time of my life. Anong nangyari? Ewan. I just needed to step back. Digest the bulk of what had happened for the past few months that seemed to have been forever.

LALAKE: E, ‘sus! Space lang pala ang kinailangan mo. You could’ve told me, so you won’t have to be acting strange everytime we’re rehearsing together.

BABAE: Unawain mo sana ako na hindi lang ako pwedeng basta-basta bumalik na parang walang nangyari… dahil meron. But I am trying! Trying to crawl my way back in but each time I step into the haven I used to know, the more it became clear to me that I am not welcomed “here” anymore. What would make me happy suddenly turned into a scary place. I just don’t tell you, but I am scared.

LALAKE: Your fault; you left the studio, you took the advice of other people, and now you’re scared of the ramifications? But not scared seeing us drift apart everytime we’re together?

BABAE: Yes, THAT too! Alam mo pa kung ano pa’ng mas masakit? Na nadarama kong hindi ako karapat-dapat mahalin nang isang taong katulad mo. You obviously dance better. Sa totoo lang, hindi sumagi sa isip ko ito before, dahil alam ko at nagtitiwala akong alam mong mahal na mahal kita… at ginagawa ko ang lahat ng aking makakayang maipadama sa iyong mahal na mahal kita pero tama nga yata sila… you don’t deserve the kind of love I can give because you deserve more. Alam kong nalulungkot ka sa mga sinasabi ko… ako rin dahil sinabi ko naman sa ‘yo; na hinding hindi ko ito iisipin dahil na rin sa sinabi mong mahal mo ako. At hindi ko nga inalintana ito, hanggang sa unti-unti na lang pawang nadama kong you are just too good for me.

LALAKE: I’m too good for YOU?! Aagawin mo pa ang insecurities ko.

BABAE: Well, I am insecure.

LALAKE: No, no, no… You have no right to be insecure. I, on the other hand, have every right… Dahil ikaw, lagi kong pinagmamalaki. Ako, lagi mong kinakahiya.

BABAE: Kailan?

LALAKE: Anong kailan? Parati! Nung reunion ninyong magkakabarkada, nung pumunta tayo sa Tita mo, nung binisita kita sa G.A. ng College Dance org mo… kung hindi mo ako kinahihiya bakit ang pagpapakilala mo sa akin, “Hi everyone. This is my friend…” . My friend?! My friend?! Okay ka lang? Hindi man lang, “My partner”! Tapos nung namamasyal tayo sa Mall, nakita mo yung dati mong dance partner, aba’y bigla ka na lang kumalas sa pagho-holding hands, a.

BABAE: It didn’t mean anything.

LALAKE: Well, to me it does! Gaya nung cocktails before our summer tournament na pinuntahan natin na nauna ako dumating. Buong gabi layo ka ng layo at ayaw mo akong pansinin. Ano, nagpapahabol ka? O baka naman you wanted to send out a memo to all the other guys around that you are still very much available? (Iibahin ang usapan.) La Revolucion!

BABAE: Look, I’m used to doing things on my own! Iyan ang dahilan kung bakit iba ang pakikitungo ko sa’yo pag sa harap ng ibang tao. Hindi dahil sa ikinahihiya kita o tayo o kung ano pa mang naiisip mo pero gaya nga rin ng nasabi ko, e. I guess, I just need a little getting used to it… to us.

LALAKE: Two years and you’re still not used to us?!

BABAE: Yes, I have no excuse for that because I know it’s a matter of simply respecting you and recognizing you… (Maapakan ng Babae ang paa ni Lalake.)

LALAKE: Aray. Nananadya ka ‘ata.

BABAE: I’m sorry. I’m very, very, very sorry.

LALAKE: Dahil inapakan mo ako o dahil ikinahiya mo ako?

(Hindi sila magkikibuan. Patuloy silang magsasayaw habang nag-iiwasan ng tingin.)

LALAKE: Ewan. Hindi ko maintindihan. Dati naman hindi ako gan’to. Paki ko kung hindi ako kasali sa pagdedesisyon ng ibang tao. Marami pa akong mas mahalagang dapat gawin at pag-isipan. Paki ko sa schedule ng lahat… paki ko sa schedule mo. May buhay din po ako. Paki ko sa ‘yo, sa inyo. Mag-mula nung naging tayo, magmula noong magkaroon ako nang paki sa ‘yo… hindi na ako mapakali… kung ‘di ko alam kung nasa’n ka. Nung magsimula naman tayo hindi naman ako gan’to. Malay ko kung anong suot mong damit. Paki ko kung sleeveless o backless, kung nakalabas ang strap ng bra mo o garter ng panty mo. Kung sino ang kasama mong gumimik pagkatapos ng dance classes mo sa ibang studio. Babae o lalake? Basta masaya ka’t marami kang makukwento sa telepono pagdating ng gabi… Kaso, ngayon ‘pag nagkukwento ka, sa isip ko: Ba’t di ko ‘to alam?

BABAE: Ayoko na.

LALAKE: Yan ba’ng gusto mo?

BABAE: Ano ka ba?

LALAKE: Ano’ng “ano ka ba”?

BABAE: Hindi ibig sabihing, ayoko na… ibig sabihin: ayoko na nga.

LALAKE: Wow, luminaw.

BABAE: Sinusubukan ko naman na ipaalam sa ‘yo kung nas’an ako. Kaso’ parang gusto mo ‘ata magreport ako sa ‘yo per ora at naka-bundy lahat ng gagawin ko. Hayaan mo pati pag-ihi ko ila-log-in ko na para mapanatag ka.

LALAKE: And now you’re mocking my concern for you. Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin… sana lang, alam ko yung mga bagay na DAPAT kong malaman… para hindi ako nag-aalala.

BABAE: Pwes, ano ba’ng “DAPAT” mong malaman?

LALAKE: Definitely ‘pag puro lalake ang kasama mo, ‘pag ginagabi ka, ‘pag walang susundo sa ‘yo. Kagabi, wala pa’ng magulang mo sa bahay. Aba’y kung hindi pa ako tumawag, hindi ko nalaman na puro lalake ang kasama mo at nagkakasiyahan pa sila sa background. Takbo ng kukote ko: Augh! Basta… kulang na lang sugurin ko sila ng itak at baka kung ano’ng gawin nila sa ‘yo!

BABAE: Wala namang nangyari. Mababait sila.

LALAKE: Hindi ko alam ‘yon. Mabuti kamo wala ngang nangyari at sigurado ka nga bang wala? (Magiging marahas ang pagsasayaw at paghawak niya sa Babae.)

BABAE: Sige, ibunton mo na sa akin ang galit mo.

LALAKE: Ewan ko ba. Kung anong demonyo ang sumasapi sa akin tuwing nagaalala ako sa ‘yo.

BABAE: Nag-aalala, nagseselos?

LALAKE: Hindi ako nagseselos. Sobra lang ako nag-aalala. Dati naiinis ako sa nanay ko, ‘pag nangungulit siya sa sobrang pag-aalala… Gan’to pala ‘yon…

BABAE: Andami ko namang pagpapaalaman, nanay ko, tatay ko, ngayon pati ikaw. Hassle?

LALAKE: ‘Yan lang pala ang tingin mo sa akin, hassle.

BABAE: Hindi ikaw, yung sitwasyon. Hindi lang ikaw ang problema ko pwede…

LALAKE: So, problema nga ako?

BABAE: Wala akong sinasabing ganyan. Kahit hirap na hirap na ako…never. Mahal kita at ‘pag mahal mo ang isang tao you never really think of them as a burden. Why, you think of me as a burden, don’t you?

LALAKE: So, ngayon pinalalabas mong hindi kita mahal…

BABAE: Sige. Ikaw ang bahala.

LALAKE: So, ako na naman ang mali.

BABAE: Para mo na rin kasing sinabing hindi ka naniniwalang mahal nga kita kasi iginigiit mo na hassle ka para sa akin. Maliit na bagay pinalalaki mo.

LALAKE: Hindi ko giniit, ikaw ang nagsabi.

BABAE: Pakiramdam ko lahat ng tao iniisip na hindi kita minamahal. Ikaw din ata. Sana, sana …hindi. Please can we go to a La Parada already?

LALAKE: Oo na. Ako na ang kontra bida. Ako na ang masama.

BABAE: Ako ang pinalalabas mong kontra bida. Ako ang pinalalabas mong masama ngayon dahil pinadama ko ‘yan sa ‘yo.

LALAKE: Go tell your friends, I’m a bad boyfriend but you’ve probably done that.

BABAE: Paikot ikot tayo. Alam mo pa ba kung anong pinagtatalunan natin?

LALAKE: Wala nang kailangan pagtalunan basta ako ang masama ganun naman ‘yun di ba? ‘Yun naman ang gusto mong palabasin, di ba?

BABAE: Tama na.

LALAKE: Talagang tama na. Panalo ka na, e. Pabor na sa ‘yo ang debateng ito kaya tama na nga.

BABAE: Hindi ko na talaga alam… hindi ko na alam kung anong gusto mo. Sa bilis natin, hindi ako makahabol. Magsasalita pa lang ako, humihirit ka na. Nginunguya ko pa lang, nalunok mo na. Gusto ko pa muna sanang namnamin ang sarap, hirap, sakit, pero I guess, time is not on my side.

(Pabilis ng pabilis ang tugtog, ang pagsasalita ng mga nagsisiganap, at ang kanilang pagsasayaw. Magpapalit ang ilaw.)

LALAKE: Dependency may appear to be love because it is a force that causes people to fiercely attach themselves to one another.

BABAE: But in actuality it is not love, it is a form of antilove. It seeks to receive rather than to give.

LALAKE: It nourishes infantilism rather than growth.

BABAE: It works to trap rather than to liberate.

SABAY: It destroys rather than to build.

(Ubod na nang bilis ang kanilang pagsasayaw. Maaring may maganap na Contemporary/Ballroom o Dancesport production number. Matapos ang sayaw, sabay-bigla silang mabubuwal at saka titigil ang tugtog. Mapapaupo silang dalawa. Dudukot sa bulsa ang Lalake ng isang chocolate bar. Maghahati sila ng Babae.)

LALAKE: We desperately need this right now. (Kapwang kakagat sa kanilang tsokolate.)

BABAE: Ang hirap pala nito. Hindi ko akalain.

LALAKE: Natin.

BABAE: Hindi natin akalain. Ayoko na munang magsalita.

LALAKE: Ako rin.

SABAY: Wala na akong sinabing tama. (Patlang.) Parati na lang mali.

BABAE: Kung hindi masakit.

LALAKE: Nakakasakit.

BABAE: Nakakatakot.

LALAKE: Parati bang ganito?

BABAE: Ewan, pero dumadalas. (Patlang.) Huwag na muna tayong mag-usap.

LALAKE: Mabuti pa.

BABAE: Haaay.

LALAKE: Sorry ha.

BABAE: Time out muna.

LALAKE: Ha? Bakit?

BABAE: Hinihingal na ako.

LALAKE: (Tatango.) Kailangan na nga siguro natin magpahinga. Tagal na nating ganito.

(Sa manunood. Magpapalit ang ilaw.)

BABAE: The temporary loss of ego boundaries in falling in love…

LALAKE: …leads us to make commitments to other people from which real love may begin…

BABAE: …but also gives us a foretaste…

LALAKE:…an incentive…

BABAE: …of the more lasting mystical ecstasy that can be ours after a lifetime of love.

LALAKE: While falling in love is not love itself, it is a part of the great and mysterious scheme of love.

(Magtitinginan ang dalawa.)

BABAE: Ang hirap ‘tutunan nito.

LALAKE: Mas madali ang TANGO.

BABAE: Worse part is, practice palang ‘to.

LALAKE: Well…Love, (Tatayo si Lalake.) …we definitely need more practice. (Hihingin ang kamay ng Babae. Popormang magsasayaw muli.) Salidas!

(Blackout.)

TELON

* No part of these plays may be staged without a written permission from the author. For performance rights, permit to play, and inquiries email ktfi2001@yahoo.com or call 386.3278 /text (0917)9726514.

No comments: